Chapter 78 Inah KUNG sana nga ay panaginip lang ang lahat ng nangyari pero hindi. KINALMA ko ang sarili ko habang nagmamaneho. Pinabagal ko ang takbo ko at saka ako nagpahid ng luha. I remembered the story of my known mother. Dahil sa sobrang sama ng loob ay nabangga ang kotseng minamaneho, nadamay pa ang kapatid ko. Hindi ko yun gagawin sa sarili ko. I love myself. Ang mga tao lang sa paligid ko ang hindi sa akin nagmamahal. Wala silang silbi. Sarili lang nila ang mga minamahal nila. A new version of tears rolled over my cheeks and I just let them fall. Sabi sa nabasa ko, let yourself cry if you want to cry. Umiyak na lang ang libre sa mundo, para mapagaan ang nararamdaman ko kaya bakit ko ito pipigilin? Pero, kahit na siguro isang dagat ang iiyak ko, walang magbabago sa sakit na d

