Chapter 77 Brando ISANG magaan at magandang kamay ng babae ang humawak sa balikat ko. Nakatayo ako ngayon dito sa loob ng opisina ko sa New York habang matabang na nag-iisip. This is my main office but my life changed when I went home to the Philippines. Parang kailan lang ay papunta pa lang ako dun pero ang dami ng nangyari, at ang huli ang masasabi kong pinakamasakit sa lahat, kasinsakit ng namatayan. "Kumusta ka?" Malambing na tanong niya sa akin kaya tiningnan ko siya saglit at ngumiti ako, pero agad ko siyang hinawakan sa leeg at itinulak ko sa may pader. "Kumusta ako?" Gigil kong tanong. "Brando!" Tili niya at napahawak sa braso ko, "Nasasaktan ako!" "Talagang masasaktan ka, puta ka!" Bulyaw ko sa kanya. Ang akala ba nito ay pinatawag ko para maglandi kami? Well, that was my

