Chapter 60 HILAM ang mga luha ni Inah sa mata na lumingon sa kanyang Daddy. His statement made me more confused. Anong mamamatay tao ang ama ko? Siya ang ama ko. Malinaw na sinabi ni Mama na siya ang ama ko. Hindi naman siguro lalakero si Mama para magkaroon ako ng ibang tatay, unless gusto na rin akong itanggi ni Dad. Susko. Kitang-kita naman niya sa salamin ang mukha naming dalawa. Wala kaming pagkakaiba. Babaeng version niya ako. "You are my father. Don't give me that stupid statement, Dad. Kahit ngayon lang naman ay maging honest ka sa akin. Umabot na ako ng ganitong edad na wala akong alam. Mabuti pa nga si Ate, she was aware that you were not her parents by birth," naluluha na naman ako at maya-maya nga ay tumulo na yun. "Ako nga ang Daddy mo at ako rin ang mamamatay tao. I kille

