Chapter 64 Inah Gabi na ako nang dumating sa bahay. Dito rin dapat tutuloy si Nanay Laura, kaya lang ay nagbago ang isip ni Brando dahil baka daw paghinalaan kami. Hindi raw niya mapipigil ang sarili na papasok sa subdibisyon na hindi ako sinisilip o nakikita. Kinilig naman ako sa sinabi niyang yun, at the same time I felt sad. Mabilis ko sanang masisilip si Nanay Laura kung nandito lang din iyon pero wala akong magagawa. "Nandito na ang prinsesa namin!" Sabi ni Kuya Ken sa lahat nang makita akong bumaba ng kotse. Nakangiti ako. "Aba, mukhang mawawalan na tayo ng trabaho. Madalas ng lumarga ang bibi natin mag-isa," sabi naman ni Kuya Warren kaya yumakap ako sa kanya. Nag-group hug kami. "Kumusta?" Tanong ni Kuya Warren, "Amoy sir Brando ah!" Kulang na lang ay manlaki ang mga mata k

