Chapter 63 Inah WALA na. I blocked all of those women who kept on chatting and asking for s*x. Ang hindi ko lang inalis ay si Naya. Hindi sini-seen ni Brando ang mga chat nun, at nagulat ako nang buksan ko ang chatbox. May mga kung anu-anong sinasabi si Naya tungkol sa akin. May gusto yun kay Brando. Nakapagtanong tuloy ako tungkol sa ginawang panggigipit sa akin noon pero sabi ni Brando, talagang mga mahilig mang-trip ang gumawa nun, base sa plate number na matagal na rin na wanted ng pulisya. I was relieved. Siguro naman ay hindi ganun kadesperada si Naya para manakit dahil lang kay Brando. Wala namang sila. After that, I gave him back his phone. Tatawa-tawa lang siya. Ngayon, papunta na kami sa destinasyon ni Nanay Laura. Ang swerte ni Brando, buhay pa ang nanay niya, at maswerte ri

