NANG hindi pa rin magupo ng antok si Jack ay bumaba siya ng treehouse dala ang kanyang espada. Nagtungo siya sa burol at nagsanay. Maya-maya ay sumagi sa balintataw niya ang sinabi ni Ato tungkol sa pulang tubig na kinuha niya noon sa pulang ilog. Natigilan siya. Tama nga si Ato, ang sinumang kukuha ng pulang tubig at dadalhin sa labas ng gubat ay makararanas ng masalimoot na kalungkutan. Iyon na nga ang pagkawala ni Alona. Naalala niya, ginawa pang pabango ni Alona ang pulang tubig noon. Nagalit pa ito noong binalak niyang itapon ang tubig. Napaluklok siya sa lupa nang magpuyos na naman ang kanyang damdamin. Nangilid ang maninipis niyang luha sa kanyang pisngi. Hindi pa rin niya matanggap ang nangyari. Sa bawat araw na magigising siya sa umaga ay palagi niyang iniisip na sana ay panagi

