PAGPASOK ni Jack sa kanyang silid ay nagulat siya nang maabutan doon si Souljen. Binabasa nito ang libro. “Pasensiya na, pumasok ako na walang permiso,” kaswal nitong sabi. “Ayos lang. Ano’ng kailangan mo?” aniya. “Akala ko kasi narito ka. Yayain sana kitang kumain.” “Ah, busog pa naman ako.” “Gusto mo bang dalhan kita ng pagkain?” Malapad ang ngiti nito. “Kuwan, huwag na. Ako na lang ang pupunta sa hapag-kainan mamaya. May gagawin pa ako,” mariing tanggi niya. “Sige, hihintayin na lang kita roon.” Tumango lang siya. Naisip niya na usigin ito tungkol sa nangyari kay Alona pero nagbago ang isip niya. Nang lumabas na ito ay nagsalin siya ng tubig sa mangkok na naroon saka umusal ng orasyon. Kailangan niyang makausap si Emo. Wala silang maayos na pag-uusap noong kasagsagan ng pagluluk

