MARIING sinabunutan ni Jayden ang buhok nang maalala niya ang ginawa niya kagabi. He was like a wild animal in heat. Hindi naman siya ganito noon, tanging kay Gabriela lang.
Kagabi sinubukan niyang makipag-s*x sa ibang babae, but he can't get up. Pero sa simpleng tingin lang ni Gabriela kagabi agad nang nag-init ang buo niyang katawan.
This is not f*****g right. Bakit sa dinami-rami ng babae bakit kay Gabriela pa? Bakit sa kliyente pa niya? At ang lubos niyang pinagtataka ay bakit kay Gabriela lang siya nakakaramdam ng ganito?
Pinatay niya ang nagba-block ng signal sa buong paligid ng bahay kaya agad siyang nakatanggap ng tawag mula kay Phoenix at agad niya iyong sinagot.
"May kliyenteng nangangailan ng serbisyo mo, Midnight," agad na sabi nito.
"Sino?"
"Si mr. Rouge. Magugulat ka kung sino ang gusto niyang ipatrabaho sa'yo."
"Sino?"
"Si Gabriela Grecio, ang alaga mo ngayon."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit naman gustong malaman ng Mr. Rouge na ito ang information ni Gabriela?
"Bakit interisado siya kay Gabriela?" tanong niya.
"Alam mong hindi ako pwedeng magtanong tungkol dyan, at alam mo 'yan."
"Hindi ko gagawin," tanggi niya dahil ang trabaho niya ngayon ay ang pangalagaan si Gabriela.
"Bakit? He will pay you half a million just for Gabriela's information."
"Kahit isang milyon pa 'yan hindi ko gagawin. Ang trabaho ko ay kaligtasan ni Gabriela. Paano kung isa ang Mr. Rouge na 'yan ang nagtatangka sa buhay ni Gabriela? Parang nilagay ko na rin sa pakahamakan ang kliyente ko."
"Okay, fine. Sayang lang. Anyway, hindi ka nga naman manghihinayang dahil mayaman ka na," may pang-iinis na sabi nito.
"Kumusta naman ang pagiging babysitter mo? Pinasasakit ba niya ang ulo mo?" maya'y tanong nito.
'Hindi lang ulo sa taas, kundi pati na rin sa baba.' Gusto sana niyang sabihin pero isinarili na lang niya. Phoenix doesn't know about his disease. Walang ibang nakakaalam ang tungkol 'dun kahit pamilya niya.
"Ayos lang naman," walang gana niyang sabi.
"Pero babala lang. Hindi ko alam kung anong meron kay Gabriela kung bakit marami ang gustong makuha ang nakatago niyang inpormasyon."
Lalong nangunot ang noo ni Jayden. "Anong ibig mong sabihin?"
"Well, marami ang nakakarating sa akin na hindi raw totoong anak ni Lion Grecio si Gabriela. At may nakarating din sa aking balita na hindi lang isang beses na pinagtangkaang gahasain ni Lion ang sarili niyang anak."
Natigilan siya sa nalaman. Kung totoo man ang sinasabi no Phoenix Ibig-sabihin... Pwedeng isa si Lion Grecio ang nagtatangka sa buhay ni Gabriela.
"Hindi ka na nakapagsalita?" Pukaw sa kaniya ni Phoenix mula sa kabilang linya.
"Nothing. May iniisip lang ako."
"Hindi mo talaga tatanggapin 'yung trabaho?"
"No. Just tell him I'm not available for that job."
"Okay, ikaw ang bahala. Chao!" Iyon lang at pinutol na nito ang linya.
Napaisip si Jayden. Meron kayang hindi sinasabi sa kanya si Sireno?
Umalis siya sa harap ng laptop at humakbang palabas ng kwarto at dumiretso siya sa kusina. Naabutan niya roon si Gabriela na naghahalughog ng makakain sa refrigerator.
"Nagugutom ka na?"
"Ay kalabaw!" nauntog pa si Gabriela sa refrigerator dahil sa gulat.
Galit siya nitong nilingon. "Pwede bang wag kang basta na lang susulpot?" anito na hinihimas ang parte ng ulong nauntog.
"And my answer to your question; yes, nagugutom na ako. I haven't eaten since last night."
Inilabas ni Jayden ang cellphone mula sa bulsa. "What do you want to eat?"
"May signal na?" tanong nito imbis na sagutin ang tanong niya.
"Ahh... Oo."
Tila kumislas ang mga mata nito. "Ay! Salamat naman kung ganu'n! Hindi na ako maboboring. I can watch my favorites series in movie mobile," galak nitong sabi na matamis na ngumiti.
Mabilis na tumambol ang puso ni Jayden at dahil lang iyon sa ngiti ni Gabriela! This is really crazy.
"Okay. Back to my question. What do you want to eat?" tanong niya na sinusubukang pakalmahin ang sarili.
"Manlilibre ka?"
"Just answer me."
"Pwede bang ako ang mamili?"
"Sure." Inabot niya ang cellphone niya rito para ito ang papiliin.
Tumagal iyon ng ilang minuto bago ibinalik ni Gabriela ang cellphone sa kanya. "Thank you, Jayden. Pambawi mo ba 'yan sa ginawa mo sa'kin kagabi?"
Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Gusto rin niyang humingi ng tawad dito pero hindi niya masabi.
Nangunot ang noo ni Gabriela. "Wala kang naalala?"
"May nangyari ba kagabi?"
Tinitigan siya nito na para pinag-aaralan kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
"Wala."
Mabuti naman at naniwala ito.
GUSTO sana isigaw ni Gabriela kay Jayden na ninakaw lang naman nito ang unang experience niyang makahawak ng ganu'n! Pero minabuti niyang huwag na lang. Baka siya lang din ang mapahiya sa huli.
Umabot ng ilang minuto ang paghihintay nila bago dumating ang pagkaing inorder niya gamit ang cellphone ni Jayden. At nang makita nito ang inorder niya ay halos hindi ito makapaniwala sa dami ni'yon.
"Don't worry I'll pay you—"
"No need," putol nito sa sinabi niya.
"Okay. Thank you."
Inihain ko na ang mga pagkaing inorder ko sa lamesa. Yung iba hindi na nagkasya kaya itinabi niya muna.
"Okay let's eat. But let's pray first."
Nahinto sa ere ang manok na isusubo ni Jayden at ibinalik nito iyon sa plato nito. "Go ahead."
"Kain na tayo..." parang batang sabi niya pagkatapos niyang magdasal.
Pagkatapos nilang kumain, siya na ang nagprisintang magligpit ng mga pinagkainan nila. Ang mga hindi naubos ay nilagay niya sa refrigerator. Pwede niya pa iyon kainin kapag nagutom siya mamaya.
Pagkatapos niyang magligpit at nagtungo siya sa may portico at nandoon din si Jayden at naninigarilyo ito.
"You smoke," aniya na naupo sa egg chair na nandoon.
Pero hindi man lang ito nag-aksaya ng oras para sagutin siya. Ang sungit talaga! Kaya hindi talaga siya lubos makapaniwala na nagawa nito 'yung nagawa nito sa kanya kagabi.
"'Yung babaeng kasama mo kagabi, jowa mo?" Natanong niya ng wala sa oras.
Kunot ang noong nilingon siya nito. "Do I need to answer that?"
Nagkibit si Gabriela ng balikat. "Natanong ko lang. Diba kasi safety ko ang dahilan kung bakit ako nandito tapos nagsama ka ng ibang tao."
"She can't harm you."
"Jowa mo?"
"No. Gabriela, kung ano ko man siya wala ka na 'dun."
Tumango-tango siya. "Oo nga maman... If she she's your girlfriend, you wouldn't have done what you did last night."
"What did I do last night?"
"Hindi mo talaga maalala?"
"Tatanungin ko ba kung naaalala ko?"
Gabriela rolled her eyes. "But I really don't understand what you said last night; By looking at me, you get hard. Did I really make you hard?"
Biglang naubo si Jayden at umiwas ito ng tingin sa kanya.
"Hindi mo rin maalala?" tanong niya.
"No."
"You even took my hand yourself so I could feel your... you know? Your..." inginuso ko ang ibabang parte ng katawan niya.
Nagbuntong-hininga si Jayden. "Kung ano man ang mga nagawa o nasabi ko kagabi kalimutan mo na. That will never happen again."
Gusto niya magalit kasi first time niya 'yon, pero ayaw na rin niya palakihin pa ang sitwasyon, kaya hindi na siya nakipagtalo pa.
"Kapag inulit mo pa 'yon—"
"Ako na mismo ang magbabalik sa'yo kay Sireno," putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
Pero natigilan si Gabriela. Naa-attract ba talaga si Jayden sa kanya? Kung totoo man 'yon mukhang naka-isip na siya ng paraan kung paano siya mapapalapit sa lalaki.
Paano kung gamitin niya ang sarili para mapalapit at makuha niya ang loob nito? Pero handa nga ba siyang gawing pain ang sarili niya para lang sa misyong ito? Kung ipain man niya ang sarili niya, may mahihita kaya siya? Magagawa nga ba niyang makuha ang loob nito at malaman ang mga dapat niyang malaman? Paano kung hindi? Parang ibinigay niya ng libre ang sarili niya na iningatan niya hanggang ngayon.
"Gab," pukaw nito sa kanya na ikinakurap-kurap niya.
"H-ha?"
"I want to ask you something at gusto kong sagutin mo 'ko ng totoo."
Bigla siyang kinabahan. "Tungkol saan?"
Humarap sa kanya si Jayden at ibinulsa nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kupasing pantalon nito.
"Is it true that your father tried to rape you?"
Natigilan si Gabriela. Dapat pa ba siyang magtaka kung paano nalaman ni Jayden ang tungkol 'dun?
Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. "H-hindi ko alam kung saan mo nakuha ang balitang 'yan."
"Hindi totoo?"
Hindi siya nakasagot. Ayaw na niya kasi maungkat pa ulit ang tungkol 'dun.
"I need to know the truth. Gusto kong magawa ng maayos ang trabaho ko ay hindi ko 'yon magagawa kung itatago mo sa akin ang katotohanan. Hindi totoong si Lion Grecio ang kumuha sa serbisyo ko para maging bodyguard mo, tama ba?"
Hindi siya ulit nakasagot.
Humakbang palapit sa kanya si Jayden at bahagya itong naupo para magpantay sila. "Tell me the truth, Gabriela."
Taas-baba ang dibdib niyang marahan siyang tumango. "Si ninong a-ang may gustong kunin ang serbisyo mo para protektahan ako."
"So, totoong ilang beses kang pinagtangkaang gawan ng masama ng ama mo?"
Marahan na muling tumango si Gabriela. Wala na siyang lusot na magagawa para magsinungaling.
"Pero hindi ako sigurado kung ang ama ko ang nagtatangka sa buhay ko. Matagal ko na siyang hindi kasama kaya wala na akong alam sa mga ginagawa niya," sabi niya na totoo rin naman.
Nagbuga ng hangin si Jayden at tumango. "Thanks for being honest, Gabriela. Makakatulong 'yan para alam ko kung ano ang dapat kong gawin. Si Sireno na lang ang kakausapin ko tungkol dito." Tumayo na siya.
"Babalik na ako sa kwarto ko. Kapag may kailangan ka puntahan mo lang ako 'dun," aniya na pumasok na sa loob ng bahay.
Sinundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa mawala si Jayden sa paningin niya.