KINABUKASAN, paggising ni Gabriela, agad na ginawa niya ay kung papaano siya makakakuha ng inpormasyon sa kung anong ang pinagkakaabalahan nito sa buhay at kung totoo nga bang Isa itong mafia.
Paano kaya kung makipaglapit siya kay Jayden at kunin ang loob nito para maisagawa niya ang mission? Pero paano? Masyadong itong mailap at parang ayaw makipag-usap sa kanya.
Umalis siya sa ibabaw ng kama at naglakad palabas sa veranda. Malawak, maganda at payapa ang paligid ng kinatitirikan ng bahay, ayun nga lang wala talagang kasignal-signal sa bahay na 'to.
Dumako ang mga mata niya sa ibaba. At mula sa kinaroroonan niya, tanaw niya si Jayden na nagsisibak ng mga kahoy habang hubad-baro ito.
Napahalumbaba siyang tumitig sa lalaki. Hindi niya itatanggi na gwapo ito. Bumagay dito ang hanggang balikat nitong buhok. May matikas din itong pangangatawan, halatang alaga sa workout. Naliligo siya sa pawis pero ang bago pa rin niyang tingnan kahit kupasing pantalon lang ang suot nito.
Ano kaya ang pakiramdam kapag nakulong siya sa mga bisig nito?
Biglang natigilan si Gabriela sa iniisip niyang iyon. Mabilis niyang pinilig ang ulo at minabuti na lang na bumalik sa loob para maligo at makakain na ng umagahan.
Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagsuot ng damit. T-shirt na may printed ni elmo at short lang ang suot niya. Pagkatapos niyang maglagay ng pulbo sa mukha at magsuklay ay lumabas na siya ng kwarto at dumiretso sa kusina.
Pagpasok niya sa kusin, nabungaran niya roon si Jayden na umiinom ng tubig. Hubad-baro pa rin ito at dahil malapit siya rito ay lalo na niyang kita ang taglay nitong kakisigan.
Tumikhim si Gabriela para bumalik sa katinuan ang isip niya. "Good morning!" bati ko sa kanya.
Walang emosyon ang mga mata nito nang tumingin sa akin. "Kung nagugutom ka na may pagkain dyan," anito na nilagpasan ako at muling nagpunta sa likod ng bahay para ipagpatuloy ang pagsisibak.
Tulad ng sinabi ni Jayden ay may pagkain na nasa lamesa na niluto nito. Itlog, hotdog, ham at sangag na kanin. Dahil sa gutom na rin siya ay agad na siyang kumain at pagkatapos ay hinugasan niya ang platong kinainan niya. Pero imbis na bumalik siya sa kwarto ay nagpunta siya kung saan naroon si Jayden.
Sumandal siya sa pintuan at pinanood lang ang lalaki sa pagsisibak nito. Sa bawat paghampas nito ng itak sa kahoy ay tumatalsik ang pawis nito.
"Stop staring," anito.
Buntong hiningang lumapit ako sa kanya. "Nabo-boring ako. Wala ako magawa." aniya
Inihampas ni Jayden ang itak sa kahoy para kumapit iyon at pagkatapos ay walang emosyon ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "So?"
"So? Ganyan lang ang sasabihin mo?"
"Ano ba dapat?"
"Hindi mo man lang ba ako ipapasyal sa magandang lugar na 'to? Gusto ko rin mamili."
Humakbang ito palapit sa kanya. Hindi alam ni Gabriela kung bakit bigla na lang tumahip ng mabilis ang puso niya ngayong halos limang dangkal ang layo nito sa kanya.
"Baka nakakalimutan mo na may gustong magtangka sa buhay mo at hindi kita dinala rito para magbakasyon."
"Pero wala ako magawa! Mababaliw ako kapag ganu'n!" maktol niya.
"It's not my problem anymore. Basta ang trabaho ko lang ay protektahan ka hindi maging tour guide mo," anito na tinalikuran na ako.
Sinundan ko siya ng tingin. "Kung alam ko lang sana hindi na ako pumayag na ikaw ang maging bodyguard ko! Kasi boring ka at walang kwenta!" sigaw niya.
He stopped and he slowly facing me again. "What do you want me to do?" Humakbang ulit ito palapit sa kanya at huminto isang danggal sa kanya. "Entertain you?"
Nahigit ko ang hininga ko dahil konti na lang ay malapit na sa kanya ang mga labi nito. God! Hindi niya alam kung bakit ganito na lang kabilis ang t***k ng puso niya sa tuwing malapit si Jayden sa kanya.
Napapikit si Gabriela nang pakiramdam niya ay bumaba ang mukha nito palapit sa kanya. Pero mabilis na bumukas ang mga mata niya nang marinig niya ang mahina nitong pagmura.
"f**k!"
Namulatan na lang niya itong naglalakad na palayo sa kanya.
Nasapo niya ang kaliwa niyang dibdib. Ang bilis-bilis pa rin ang tahip ng puso niya hanggang ngayon. Naguguluhang sinundan na lang niya ng tingin ang papalayong si Jayden.
"f**k! f**k! f**k!" mura ni Jayden pagkapasok niya sa kwarto. He didn't know why his body felt hot.
Hindi siya mapakaling nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto niya at mariing napahilamos sa kanyang mukha. He need to cool down his body.
Pumasok siya sa banyo para maligo, and he set the water in cold temperature. Habang nasa ilalim siya dutsa ay muli siyang napamura nang makitang buhay ang p*********i niya.
Natigilan si Jayden dahil imposible. Matagal na panahon na niyang hindi nararanasan ang ganitong pakiramdam dahil nga impotent siya. Kaya paanong...
Hindi kaya dahil kay Gabriela? Wala pa naman ito ginagawa sa kanya pero ganito na agad ang ipekto sa kanya. But how?
Okay maganda, sexy at makinis ang balat niya, pero hindi lang naman siya ang babaeng may ganu'n. Ilang beses na rin siyang sumubok sa ibang babae na maganda, sexy at makinis din, pero walang epekto, walang nangyari. Pero pagdating kay Gabriela, titig lang ang ginawa nito sa kanya ganito na agad ang naging ipekto sa kanya.
Pagkatapos niyang maligo ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang doctor na siyang tumingin sa kanya.
"Hey, Jayden. Matagal na rin nung huli nating pag-uusap. Bakit ka napatawag?" agad na bungan sa kanya ni Dexter nang sagutin ang tawag niya.
Hindi alam ni Jayden kung paano niya sisimulan ang sasabihin dito. "Umh... I feel weird," tanging nasabi niya.
"You feel weird? What do you mean?"
"I'm with a woman right now and I feel weird."
Natawa ang doctor mula sa kabilang linya. "May kasama kang babae ngayon then you feel weird? What kind of weird? Wait... don't tell me you have an erection?"
"Yes."
"Because of the girl with you right now?"
"Yes."
"That's a good news, bud! Is he your girlfriend?"
"No. He's my client."
"Oww... May ginawa ba siya para makaramdam ka ng ganyan?"
"Wala. Kaya nga naguguluhan ako kung bakit ako bigla akong nakaramdam ng ganito. She's just staring at me and then I get f*****g hard. Is this bad?"
Natawa ang nasa kabilang linya. "Bad? No, bud. That's a f*****g good news! Try to screw her."
"What? You know I can't do that with my client. And that's my rules!"
"Then try with someone else. Wala naman mawawala kung susubukan mo."
Mariin niyang naipikit ang mga mata. Dapat mga ba niya subukan ulit?
"Okay, bud. I'll call you again."
"Balitaan mo ulit ako."
Pagkasabi ni'yon ay pinatay na niya ang tawag.
DAHIL sa sobrang boring nakatulog si Gabriela at nang magising siya ay madilim na sa loob ng kwarto niya. Inabot niya ang lampshade niya para buksan iyon, tsaka niya tiningnan ang orasan na nasa pader ng kwarto niya. Ala-syete na ng gabi. Twelve hours ang tinulog niya?
Bumangon siya para maghilamos at pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto niya. Natigilan siya nang masyadong tahimik ang kapaligiran.
"Nasaan kaya ang boring na lalaking 'yon?" tanong niya sa sarili.
Humakbang siya papunta sa kwarto ng binata. Dahil walang pinto ang kwarto nito kita niyang walang tao sa loob. Bumaba siya sa sala, nagtungo sa kusina at sa likod ng bahay pero kahit anino nito ay hindi niya makita.
"Saan nagpunta ang lalaking 'yon?"
Napahawak si Gabriela sa tyan niya nang malakas iyong kumulo. Nagugutom na siya kaya muli siyang bumalik sa kusina para tingnan kung may niluto bang pagkain si Jayden, pero wala.
Nang tumingin siya sa refrigerator, tanging meron lang 'dun ay mga lulutuing ulam, pero ni prito ay hindi niya kayang gawin. Paano siya makakakain ngayon?
Gusto sana niyang mag-order na lang pero dahil nga walang signal ang bahay na 'to ay hindi niya magawang makapag-order. Kapag minamalas ka nga naman.
Nagpunta siya sa portico at naupo sa duyan para doon na lang hintayin si Jayden. Pero umabot ng ilang oras ay hindi pa rin ito bumabalik. Kaya nagdesisyon na lang siyang bumalik sa kwarto niya at tikisin na lang ang gutom na nararamdaman.
Bakit ba kasi hindi niya naisipang pag-aralan ang pagluluto nang hindi siya nagugutom ngayon. Gusto niyang sisihin ang ibang tao pero kasalanan din naman niya dahil hindi rin niya ginustong matutong magluto.
Kaya naisipan na lang niyang gawin ang trabaho niya. Pumunta siya sa kwarto ni Jayden at naghanap sa paligid. Pero wala siyang nakita na kahit ano. Napansin niya ang isang pinto maliban sa pinto ng banyo kaya nilapitan niya iyon. Pero nang pihitin niya ang seradura pabukas ay naka lock iyon. Balak niya sanang buksan ang pinto gamit ang alam niyang teknik nang marinig niya ang pagdating ng isang motor.
Mabilis siyang lumabas sa kwarto ni Jayden at bumalik kwarto niya. Pagkatapos sinilip niya sa veranda kung sino ang dumating. It's Jayden, pero hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae. Nakita niyang hinalikan ng babae si Jayden sa mga labi, bago nito minaniobra paalis ang motor.
Nakaramdam ng iritasyon si Gabriela. Ang trabaho ni Jayden ay bantayan siya, pero nagawa siya nitong iwan para lang makipagkita sa babae nito!
Nang nakita niyang pumasok na ito sa bahay ay inabangan niya ang pag-akyat nito.
"Saan ka galing?" Inis niyang tanong pagkaakyat nito.
Walang emosyong tiningnan siya nito. "It's none of your business."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Not your business? Trabaho mo ang bantay ako pero iniwan mo 'ko para ano? Para makipagkita sa babae mo at makipaglandian?!"
Natigilan siya sa mga nasabi. She shouldn't say that. Pero huli na para bawiin niya ang mga nasabi niya na.
Tumaas ang mga labi ni Jayden at nanlilisik ang mga matang humakbang ito palapit sa kanya siya naman ay humakbang paatras hanggang sa tumama ang likod niya sa malamig na pader.
"A-ano bang ginagawa mo?"
"I tried it with her but I can't get up," anito na ikinakunot ng noo niya.
"Ano?"
"I don't know why you're the only one who can make my body hot," anas nito habang papalapit nang papalapit ang mukha nito sa kanya
Kaya nalalanghap ni Gabriela ang amoy ng mabango nitong hininga na hinaluan ng amoy ng alak.
"A-ano bang sinasabi mo?"
Kinuha ni Jayden ang kamay niya at hindi niya inaasahan ang sunod nitong gagawin. Ipinadama nito sa kanya ang buhay nitong p*********i!
"Just by looking at you, you made me like this."
Inagaw niya ang kamay mula rito at malakas niya itong itinulak palayo at malakas niya itong sinampal.
Walang emosyon lang siya tiningnan ni Jayden at pagkatapos ay walang salitang umalis ito at pumasok sa kwarto nito.
Ano ba ang nangyayari sa lalaking iyon at bakit bigla na lang ito umakto ng ganu'n? Tapos siya pa ang sinisisi nito na siya ang dahilan kung bakit ito naging ganu'n. Naguguluhan niyang tanong sa sarili.