Chapter Three

1626 Words
NAGISING si Gabriela nang may tumamang sinag ng araw sa kaniyang nakapikit pang na mga mata, na nakalusot sa nakasarang makapal na kurtina mula sa bintana. Agad niyang naimulat ang mga mata nang mapagtanto niya ang kaniyang posisyon. Nasa dulo kasi siya ng kama nakahiga habang nakalaylay ang mga binti sa kama. Marahil sa ganitong ayos siya dinatnan ng antok kagabi. Natigilan siya nang mapansing hindi niya ito kwarto. Pabalikwas siyang bumangon at akmang tatawagan si Alas nang maalala niya na nasa misyon siya ngayon at kasalukuyang nasa bahay ni Jayden. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinilamos ang sariling mukha. Medyo may hilo siyang nararamdaman, marahil dala ng hangover. Umalis siya sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Ginamit niya kung anong merong shampoo at sabon ang nandoon. Napansin niya na bukod sa shampoo, sabon, shaver at shaving cream ay wala ng ibang gamit ang nakalagay sa mirror cabinet. Pagkatapos niyang maligo ay nangialam siya sa kabinet ni Jayden. Siguro naman hindi ito magagalit kapag ginamit niya ang isa sa mga damit nito? Kinuha niya ang army green shirt na nasa pinakasulok ng kabinet at sinipat. Napansin niya na may nakalagay na pangalan ni Jayden sa may bandang kaliwa at sa taas ng pangalan naman nakalagay ang captain. Halatang matagal na iyong hindi nagagamit kaya medyo nangangamoy baul na. Pero walang pagdadalawang isip na sinuot niya iyon at humarap sa salamin. Malaki ang damit kaya parang dress na iyon sa kaniya. “Not bad,” aniya na sinuklay ang mahabang buhok gamit ang mga daliri niya. Nabaling ang tingin niya sa pintuan nang may naunigan siyang boses. Marahan siyang humakbang palabas at sumilip sa ibaba. Nakita niya si Jayden na may kasamang isang lalaki at tila seryosong nag-uusap ang mga ito. Sino naman kaya ang lalaking ito? Hindi kaya dati itong kasamahan ni Jayden sa army na kasama rin na nakaligtas mula sa pagkakakidnap sa kamay ng mga terorista? Natigilan siya nang sabay na umangat ang tingin ng dalawang lalaki sa kinaroroonan niya. Paano nalaman ng mga ito na nandoon siya at nakikinig? "hindi ko alam na may pagkachismosa pala ang inaanak ni Sireno." Nahimigan niya ang inis mula sa boses ni Jayden. Tumikhim siya at hindi pinahalata ang hiyang nararamdaman. Humakbang siya pababa sa hagdan. “Nagugutom na ako,” sabi na lang niya para mailiko ang usapan. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito nang makita ang suot niyang damit kaya matamis niya itong nginitian. “If you don't mind, nangialam na ako ng damit sa kabinet mo. Don't worry ibabalik ko rin sa'yo ito kapag nakuha ko na ang mga gamit ko sa bahay,” aniya. “You brought her here? Kailan ka pa nag-uwi ng kliyente sa bahay mo, Jayden?” hindi makapaniwalang tanong ng lalaking kausap nito. Pero imbis na sagutin ito ng binata ay nanatili itong nakatingin sa kaniya. “Sa dami ng damit na pwede mong pagpilian doon, talagang iyan ang pinili mo?" “What's wrong if I chose this? Ibabalik ko rin naman ito.” Nakita niya na nag-igtingan ang mga panga nito, pero sa huli ay nagbuntong hininga na lang ito. I win. Sabi niya sa kaniyang sarili. “I'm hungry,” sabi niya rito. “May pagkain sa ref, bahala ka na kung ano ang lulutuin mo," anito na tila pagtataboy sa kaniya palayo. Nakangusong umalis siya sa harapan ng mga ito at dumiretso sa kusina para tingnan kung ano ang nilalaman ng ref. Pero napagtanto niya na hindi pala siya marunong magluto, kahit ang magprito. “SERYOSO ka, Jayden? Dinala mo sa bahay mo ang kliyente mo?” tanong ni Phoenix sa kaniya pagkalayo ni Gabriela. Hindi niya ito agad nasagot dahil kahit man siya ay hindi alam kung bakit dito niya sa bahay dinala ang dalaga. Mula noong nakaligtas sila mula sa kamay ng Ali Hatwa at nakapagsimula ulit, hindi pa siya nagdala o nagpahintulot na may ibang makapasok sa bahay niya maliban kay Phoenix at Dawn. Kaya hindi niya alam kung bakit dito niya dinala si Gabriela at higit sa lahat hinayaang ipagamit dito ang kwarto at damit niya. Ang mukha ni Phoenix na puno ng katanungan ay napalitan ng pilyong ngiti. “Tinamaan ka sa isang iyon, ano?” “What?” “Tinamaan, nabighani o nasapul ni kupido ang puso mo.” Tumaas-baba ang kilay nito. Nailing siya. “Kung anu-ano ang mga sinasabi mo, Phoenix.” “So, bakit mo nga dito dinala ang babaeng 'yan?” Nagbuntong-hininga ito. “You never change. Tulad ka pa rin ng dati na tinatanggap ang lahat ng trabahong inaalok sa'yo. Pero ang pinagtataka ko, ang dali sayo na dalhin sa bahay mo ang babaeng 'yan? Baka nakakalimutan mong inaanak siya ni Sireno? Kapag nagkataon, baka mabulilyaso lahat ng mga plano natin.” Imbis na sumagot sa mga sinabi nito, nagsindi siya ng sigarilyo at agad iyong hinithit. "I wasn't born yesterday to deceive easily, Phoenix.” “I know, mabuti na 'yung nag-iingat.” Muli siyang humithit sa sigarilyo at agad na ibinuga ang usok. “Gusto kong alamin mo ang inpormasyon tungkol kay Gabriela Grecio." Tumango ito at tiningnan ang babae na nasa kusina. “Okay, leave it to me.” He was about to say something when he smelled something burning. “s**t!" mura niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kusina. Ganu'n na lang ang supresa sa kaniya nang makita niyang nasusunog na ang kawali. “What the f**k!” mabilis niyang kinuha ang fire extinguisher at agad iyon itinutok sa apoy. Galit na nilingon niya si Gabriela nang maapula na niya ang apoy. “What the hell are you doing?! Balak mo bang sunugin ang bahay ko?!” “I'm sorry." Nakangiwing marahan nitong inilapag sa lababo ang hawak na tyanse. “I don't want to burn down your house. I just don't know how to cook.” Inis na hinilamos niya ang mukha. Hindi na lang siya nagsalita at baka may masabi siyang hindi maganda. “Babayaran ko na lang ang mga nasira ko," sabi pa nito. “You should have told me that you don't know how to cook, para pinag-order na lang sana kita ng pagkain." Nayuko ito. "Pasensya na." “Well, good luck, bud." Natatawang tinapik ni Phoenix ang balikat niya. Sinamaan lang niya ito ng tingin at muling ibinalik ang tingin sa dalaga. Nagbuntong-hininga siya. "What do you want to eat?" tanong niya na inilabas ang cellphone mula sa bulsa. "Gusto ko 'yung pancake sa Jollibee, tapos burger and fries." Tumawag siya sa hotline ng Jollibee at agad na inorder pagkaing gusto ng dalaga. "Go back to your room. Ihahatid ko na lang 'dun ang pagkain mo kapag dumating," aniya rito. "Pero naboboring ako 'dun." "Problema ko pa ba kung naboboring ka?!" sikmat niya rito. Mauubos ang naipon niyang pasensya sa babaeng ito. "Bakit mo ba ako sinisigawan? Sinasabi ko lang naman na naboboring ako sa kwarto mo!" "It's not my problem anymore, Ms. Grecio. Nandito ka dahil may nagtatangka sa buhay mo. Now, go to my room and wait for your f*****g food!" aniya na tinalikuran na ito. NAKANGUSONG sinundan lang ng tingin ni Gabriela ang pag-alis ni Jayden. Ang sungit! Akala mo kung sino! Kung pwede niya lang sana pagsuntok-suntukin ito ginawa na niya! Napatingin siya sa lalaking kasama nito nang nakakaloko itong tumawa. "May nakakatawa ba?" inis niyang tanong. "Hi! I'm Phoenix. Nice meeting you, Ms. Grecio." Pagkasabi nito ni'yon ay umalis na rin ito sa kusina at sinundan si Jayden. Inis na nagpadyak siya na parang bata. Sana nga nasunog na lang niya ang kusina ni Jayden. "Akala mo kung sinong gwapo!" aniya sa sarili. Bakit hindi ba siya gwapo? Tanong ng isipan niya. "Hindi siya gwapo. Mukha siyang uranggutan," maniha pa niyang sabi. Kahit maboboring siya sa kwarto ni Jayden, wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa kwarto nito at doon hintayin ang pagkain niya. Habang hinihintay niya nag pagkain niya, nanood siya ng movie sa tv nitong nasa kwarto. Akala ba niya mayaman ito, pero bakit wala man lang ka-wifi-wifi sa bahay na ito? Mula sa pinapanood ay lumipat ang tingin niya kay Craig nang humakbang ito papasok sa kwarto, pero hindi siya nag-abalang tumayo at nanatili lang na nakadapa sa kama nito. "Your food." Inilapag nito ang paper bag ng inorder nitong pagkain. "Wala ka bang wifi rito?" Nangunot ang noo nito. "Meron, but you are not allowed to use any social media accounts." Nangunot ang noo niyang naupo. "Bakit?" "Pwede kang matunton ng mga naghahanap sayo kapag nag-open ka ng isa sa mga social media accounts mo. Kapag tapos ka na kumain aalis na tayo." "Saan naman tayo pupunta?" "Malalaman mo rin," walang emosyong sabi nito saka siya tinalikuran. Nang wala na ito ay kinuha niya ang cellphone niya at agad na tinawagan ang boss niyang si Sireno. "Bo—Ninong..." "Bakit ka napatawag, Gabriela?" "I think, mauubos ang pasensya ko sa Jayden na 'yan!" mahina pero mariin niyang sabi. "Gabriela, sinabi ko na sayo na mag-iingat ka sa ginagawa mo." "I know, I know. Naiinis lang kasi ako sa pagiging antipatiko niya." Hindi ito kaagad nagsalita. "Iyan lang talaga ang itinawag mo sakin, Gabriela?" Nahimigan niya ang galit sa boses nito. "You know why are you there. Hindi mo kailangang intindihin kung ano ang pag-uugali ni Jayden. Gawin mo ng tama ang trabaho mo." Iyon lang at pinutol na nito ang linya. Tama naman ito. She has never been childish when it comes to her work, until now. Wala siyang ideya kung ano ang meron kay Jayden at naiinis siya sa tuwing nakikita niya ito. Pero inis man siya rito ay kailangan niyang gawin ng tama ang trabaho niya. Buntong-hiningang kinain na lang niya ang pagkain na binili ni Jayden para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD