“What? My wife is not here?” tanong ni Nathan nang makauwi siya. Nang hindi na niya matawagan ang asawa, inayos na niya ang lahat ng dapat ayusin sa Singapore bago kumuha ng ticket pabalik ng pinas. He felt that there’s something happen na hindi niya alam kaya agad na siyang nagdesisyong umuwi. At iyon ang kanyang nadatnan. Wala ang asawa sa bahay nila. “Nathan, may nalaman ang asawa mo na halos hindi niya matanggap kaya siya nagbakasyon muna para makapag-isip,” paliwanag naman ng ina ni Khrystelle. Kahit pa may galit siya sa asawa ng anak niya ay kinalma lang niya ang sarili. Oo may problema ang mag-asawa pero hindi naman niya puwedeng panghimasukan o makialam dahil ang mga ito lang ang tanging makakalutas niyon. Bilang ina ay kailangan lang niyang mamagitan sa dalawa. “Ano ho iyon, Ma