Kinabukasan, nagising si Khrystelle dahil sa katok at sa boses ni manang Salud. “Ma’am, Khrystelle… Ma’am…” tawag nito sa kanya. Pupungas-pungas na bumangon si Khrystelle at pinagbuksan ito ng pinto. “Bakit po mukhang aligaga kayo manang Salud?” tanong niya. “Ma’am, gising na po si sir Wendell at nawawala siya,” ani manang Salud. “What? Bakit naman siya nagwawala?” aniya saka kinuha ang roba at isinuot. Pagkatapos ay nagmadali na silang bumaba ni manang Salud at mukhang natatakot na rin ito dahil sa inasal ng misteryosong lalaki. “Manang, paki tawagan po si doc Ryan at papuntahin niyo po dito,” utos niya kay manang Salud. Agad naman itong tumalima. Pumasok siya sa kuwarto upang kausapin ang lalaki. “Hey,” mahinahon niyang sabi. Tumayo ito sa kinauupuan at mabilis na lumapit sa kany