Nagising si Khrystelle sa katok sa pinto. “Ma’am Khrystelle…” Boses iyon ni manang Salud kaya bumangon siya upang pagbuksan ito. “Bakit po, Manang?” tanong niya. “Ahm, pasensya na po sa abala ma’am, tumawag po kasi ang mama ninyo sa telepono kanina e pinapakumusta po kayo. Hindi raw po niya matawagan ang number niyo.” “Ah sige po tatawagan ko na lang po si mama,” aniya. “Okay po, Ma’am,” tugon naman ni Manang Salud saka umalis na. Pagkaalis ni manang, kinuha niya ang cell phone saka tinawagan ang kanyang mama. “Hello, Ma?” “O anak, bakit ngayon ka lang tumawag? Bakit ibang number ang gamit mo? Alam mo bang nag-alala ako sa iyo” “Sorry ma nakatulog po ako. Saka nagpalit po ako ng number muna.” “Gano’n ba, sige, I heard kasi sa news kanina na may tatamang bagyo diyan sa Bataan.