Lumipas ang dalawang araw, palagi lang si Khrystelle sa kuwarto. Hindi na siya nakakapasok sa opisina at wala rin siyang ganang kumain. Nasabi na rin niya kay Ella ang nangyari kaya ito na naman ang umiintindi sa negosyo nila. Mabuti na lang din at maaasahan rin iyong secretary niya kaya hindi rin siya masyado nag-iisip na mapapabayaan ang negosyo. Hindi rin kasi siya makakapagtrabo kapag pumasok siya. Ang gulo ng isip niya ngayon. At simula rin noong umalis si Nathan, dalawang beses lang ito tumawag sa kanya—bagay na nakadagdag sa mga iniisip niya. Sino ba naman ang magiging okay kapag nakita mo sa picture at video na nakikipagtalik ang asawa mo sa ibang babae? Hindi biro iyon. Talagang mababaliw ang kahit na sinuman kapag gano’n ang nakita. Kahit anong pilit niya sa sarili, talagang hind