Five months later… Nagmulat ng mga mata si Khrystelle. Tila tuyong-tuyo ang lalamunan niya. She needed water badly. Bumulaga rin sa kanya ang puting kisame. Nanuot sa ilong niya ang amoy ng mga antiseptic. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid at base sa mga instrumentong nakikita niya ay nasa ospital siya. Pero bakit siya nasa ospital? Noon bumukas ang pinto ng silid, at mula roon ay pumasok ang ina niya at kaibigang si Ella. "Khrystelle! Salamat sa Diyos at nagising ka na ! Ang Anak ko," anang mama niya bago tinakbo ang distansyang nakapagitan sa kanila. Humagulhol ito ng iyak habang yakap-yakap siya. Umupo sa ulunan niya ang kaibigan at hinagkan ang noo niya. "Welcome back, Khrys. Welcome back," anitong kumikislap ang mga mata dahil sa mga luhang namumuo roon. "Tatawag ako