"Hah!” Balikwas na napabangon si Khrystelle. Nakauwi na sila sa kanilang tahanan at doon na siya nagpapagaling. Pinaghahandaan rin nila ang nalalapit niyang panganganak sa second baby nilang mag-asawa dahil kabuwanan na rin niya. "Babe, why? May masakit ba?” tanong nito nang biglang pagbangon niya. "Nanaginip ako pero hindi malinaw ang mukha." "Anong panaginip mo?" Kinuwento niya sa asawa ang napanaginipan niya. "Well, Babe, I think unti-unti na bumabalik ang alaala mo. Dahil ako iyong lalaki na kasama mo sa panaginip mo." Napatingin siya rito na nakakunot ang noo. "Pero bakit ganoon? Bakit ang labo?" "Babe, wag mo muna pilitin ang sarili mo, ha? Babalik din lahat ng alaala mo, matulog ka na ulit at gabi pa. Tama na kakaisip dahil makakasama sayo at sa baby natin" masuyo nito hinapl