Kinabukasan na nakauwi ng bahay sila Nathaniel at Khrytelle. Pagdating na pagdating nila, sinalubong agad sila ng anak na si James. "Yaya, look, my little sister is here," wika nito na walang mapagsidlan ang katuwaan. "James, maghugas ka muna ng kamay bago hawakan si baby, ha?" paalala ni Khrstelle na naka wheelchair pa dahil hindi pa siya makalakad ng maayos dahil sa hirap ng pangangank. "Opo, mommy." "At huwag ka muna humalik na kapatid mo dahil may kaunting sipon ka, baka mahawaan si baby. "Okay po, mommy. Paglaki ni baby, tuturuan ko rin siyang tumugtog ng piano," wika ni James sa ina. Kasalukuyang nag-aaral kasi itong tumutog ng piano. "Really? Wow! I'm sure pag ikaw ang magtuturo magiging kasing galing mo siya tumugtog." "Yes, of course, Mom,” masayang sabi nito. "Mom, kapag b