“Good morning, Ma’am,” bati sa kanya ng isang trabahador. “Good morning din po,” tugon naman ni Khrystelle. Nilapitan niya ang isa sa mga kabayong paborito niyang sakyan noon. Pinangalanan niya itong Polly. Ito talaga ang madalas niyang sakyan noon kapag namamasyal o nag-iikot siya sa farm ng tita niya. Kulay puti ito na may brown sa bandang ulo kaya gandang-ganda siya. “Hi, Polly. Na-miss kita ah!” aniya saka hinimas-himas ang ulo ni Polly. “Magandang umaga ho ma’am Khrystelle.” “Magandang umaga rin maning Berto.” “Lalabas ba kayo ni Polly?” “Opo manong Berto. Mamamasyal sana kami.” “O Polly, narinig mo ba si ma’am Khrystelle? Papasyal kayo kaya magpakabait ka,” ani manong Berto habang hinihimas-himas ang ulo ng kabayo. Kung nakakapagsalita lang siguro si Polly ay sasabihin nito