“Can we talk?” Napalingon sa gulat si Khrystelle nang marinig ang boses ng asawa. Nasa terace siya ng kuwarto niya ng mga oras na iyon. “What are you doing here? Paano ka nakapasok?” nagtataka niyang tanong. Naalala niya ay ni-lock naman niya ang pinto ng kuwarto niya pagkapasok. At saka, akala niya ay umalis na ang asawa. Hindi ito nagsalita, bagkus, itinaas lang nito ang hawak ng susi. “Nakiusap ako kay manang Salud. Gusto kong mag-usap tayop ng maayos para maipaliwanag ko sa iyo ang mga nangyari pero iniiwasan mo lang naman ako simula dumating ko dito,” anito. “Look, sinabi ko naman sa iyo na hindi pa ako handang pag-usapan ang anumang problema meron tayo…” aniya. “Babe, hindi ko na kaya patagalin ito. Kung hindi natin aayusin ito ng maaga, maapektuhan na ang mga anak natin,” anit