SELECTIVE AMNESIA

2015 Words
FEW days later... "Kumusta na ang kalagayan ng apo ko, anak?" tanong ni Grasya Kaskasera sa manugang. "Ayon sa nurse na nakatalaga sa kaniya ay stable na po ang kalagayan niya, Mommy," tugon nito. "Dahil sa kagustuhan niyang iligtas ang mga tauhan niya ay siya naman ang napahamak. Nakaligtas nga tayo dahil sa "daan" na iyon ngunit ang apo ko naman ang nasa hindi maayos na kalusugan," malungkot na saad ni Grandpa MJ. Tinawag nilang daan ang underground way mula sa kanilang tahanan hanggang sa AGDA. Dahil ayaw din naman nilang malaman iyon ng publiko. Para sa emergency cases lamang kagaya sa pagkakataong iyon. "Dad, walang may kagustuhan sa nangyari. Kung mayroon mang dapat sisihin ay walang iba kundi ang mga balimbing na iyon. Maaring hindi pa naubos lahat ang mga hudas sa mundong ito ngunit maari na tayong magsaya dahil nabawasan na sila." Pang-aalo ni JP sa amang halatang hindi pa rin maka-move on sa sinapit ng anak niya. "Hanggat hindi siya nagigising ay hindi pa rin ako makahinga ng maluwag, anak." Umiling-iling ang Ginoo. Sa tinurang iyon ni Grandpa MJ ay tuluyan nang hindi nakaimik ang mag-asawa. Sila lamang ang kasalukuyang nasa pagamutan sa pagkakataong iyon. Dahil pagdating nila sa AGDA ay nagtungo na rin ng paliparan ang mga taga-roon o ang magkapatid na Adrian Joseph at Jamellah with their spouses maliban lamang sa mag-amang Zack and Zack Joseph. Dahil sila ang tumulong sa binatang general. Akala nila ay doon na nagtatapos ngunit nakalipas ang biyente-kuwatro oras ay kinausap sila ng doctor. "I'm sorry to tell you, but due to his head injury, even though he is now out of danger, please prepare yourselves to deal with him. Hindi ko agad nasabi kahapon dahil kinailangan ko pa siyang isinailalim sa mas masusing eksaminasyon. Either he will have selective amnesia or Anterograde Amnesia. Let's all hope that he will have this selective amnesia because even if it will take a few years, at least he can recover. But if he will have this Anterograde amnesia. There's a tendency that can’t form new memories. This effect can be temporary. And it can also be permanent. If he is experiencing this kind of amnesia, don't be surprise because of his head injury. Remember that the brain known as the hippocampus is damaged. His hippocampus plays an important role in forming memories." The doctor paused for a moment before he continued. "Aside from that, please be patient in taking care of him because, like any other patients who undergone in accident, his behaviour will surely change. It's either his temper or he shut up his mouth. As a doctor, I'm suggesting that you hire a private caregiver or nurse to take care of him," mahaba-habang pahayag ng doctor. Sa hinaba-haba nang naging pahayag ng doctor ay wala nang nakapagsalita sa apat. "Kung mayroon po kayong ibang katanungan ay maari n'yo po akong puntahan sa opisina ko o 'di naman kaya ay puntahan ninyo ang nurses station. Ipagtanong n'yo ako roon. By the way, I'm going on my way now," muli ay wika ng doktor saka lumabas sa pribadong silid na iyon para sa kanilang pamilya. Again, tanging "salamat doctor" lamang ang kanilang naisagot hanggang sa nawala na ito sa kanilang paningin. Kagaya nang paliwanag ng doctor sa kanila ilang araw ang nakaraan ay nag-iba na nga ang pasensiyosong si Jervin. Simula nang nagising mula sa ilang araw na pagtulog dahil sa trahedyang naganap o ang sagupaan ng mga militar ngunit against sa young and handsome heneral at Camp Villamor loyalist ay naging bugnutin na ito. Tama ang doctor na naging doctor nito sa sa pagamutan, nagkaroon ito ng selective amnesia. Ngunit lahat nang nasa isipan ay ang pait na naranasan sa buhay. Ang masaklap ay kailangan nitong sumailalim sa lingguhang therapy dahil sa paa nitong naipit ng ilang oras sa metal. Subalit ang mas nakakabahala ay walang therapist na tumatagal dahil sa pagkabugnutin nito. Kahit ang mga katulong na kabiruan nito bago naganap ang aksidente ay takot na rin dito. Kaya naman! "MAY suhestiyon kaming mag-asawa, Ate, Kuya. Kung gusto ninyo ay dalhin ninyo sa malayong lugar mula rito sa Baguio. Doon sa side ni Jameston dahil ang side natin ay sa Massachusetts. Ang biological parents ni Lynne ay taga-Nueva Ecija at ang nakagisnang magulang ay taga-Mt Province at ang kasalukuyang lugar nila ngayon as sa Isabela. Kung ayaw ninyo sa lugar na nabanggit ko ay maari namang sa iba as long as ilayo ninyo rito sa Baguio." Suhestiyon ni Yana isang araw na dumalaw silang mag-asawa sa tahanan ng mag-asawang Grasya Kaskasera at Ultimate Iyakin. "Tama ang asawa ko, bayaw, Sis. Baka sakaling sa paraan na iyan ay matulungan natin siya sa kaniyang pag-recover. Hindi na bale ang amnesia dahil babalik iyan ng kusa. Iyan din ang nangyari noon kay Leona este Whitney Pearl pala. Ang mahalaga sa ngayon ay makalakad siya ng maayos at babalik ang dati niyang kalusugan." Sang-ayon ni Terrence. Sa pahayag ng mag-asawa ay pansamantalang natahimik ang Grasya Kaskasera at Ultimate Iyakin. Kaya't ang youngster ang sumagot. "Maganda po, Mama, Papa, ang suhestiyon ninyo. Ngunit ang problema ngayon ay walang nagtatagal sa kaniyang therapist. Kahit saan ay maari natin siyang dalhin basta maibalik ang dati niyang ugali," ani Jameston. "Anak, ang sabi nila ang apoy ay kailangan ang tubig upang apulahin ito. And a cool man need a hot-headed woman as well. Ngunit dahil therapist ang kailangan natin ay cool woman not a man," maagap na wika ni Grandma Yana. Kaya naman ay napatitig dito ang pamangkin na Kaskasera the second! "Hmmm, mukhang mayroong kang nalalaman, Mama? Sino ang cool woman ma tinutukoy mo?" tanong ni Janellah. "Sa ngayon ay wala pa, anak. Pero maghahanap ako ng tugmang-tugma sa binanggit ko total ako naman ang may kaisipan. Ang magagawa ninyo ngayon ay maghanap ng... Wrong choice of words, anak. Alam ko namang kayang-kaya ninyong bumili ng rest house na malayo rito sa Baguio. Pero huwag sa Manila dahil siguradong mag-iinit lamang ang ulo niya. Dahil sa maingay na paligid. Kaya't... Ay saglit lang din pala... Ang gulo-gulo ko." Napatawa na rin si Grandma Yana sa pinagsasabi. Tuloy! Umugong ang tawanan dahil na rin sa kalokohan nito ngunit agad ding umayos nang napagtanto ang nais sabihin. "SERIOUSLY, huwag na kayong gumawa ng kung ano-ano. Ang humanap lamang ng kalog o palabirong therapist ang hanapin natin. About the place, kaya't magulo ang una kong salaysay ay napaisip ako. Bakit pa tayo lalayo samantalang nandiyan ang MARGARITA ng pamangkin nating si Clarence? Maaaring ang panganay niya ang nasa barko kasama ang asawa niya ngunit puwede naman tayong makiusap sa pamangkin natin. Maganda nga roon dahil simula't sapol ay kilala na natin ang taong ito. I mean ang pasyente nating pasensiyoso na naging hot tempered man. Kaya ko naisip ang MARGARITA ay upang maiba naman ang atmosphere niya." Well, they belong to one family. Kaya't walang ibang magtulungan kundi sila. Lalo at ang mahal nilang youngest General ang saklaw. "Kung sa MARGARITA ang tungo nila it's out of the country pa rin. Kung hindi ako nagkakamali ay every three years lamang iyon dumadaong dito sa bansa. Kapag mangyari iyon ay tatlong taon din natin siyang hindi makikita," ani Grasya Kaskasera. "Ate, tama iyan. Ngunit nakalimutan mo yatang high tech ang cruise ship ng pamangkin natin? Kung mamiss man natin siya or gusto nating makita ay puwede naman tayong umupa ng piloto. Ah, mali na naman ang sinabi ko. Ang apo mong piloto, Ate. Best friend iyon ng panganay ni Clarence. For sure, matutuwa siya kapag magpahatid tayo. IF, gusto nating doon magtungo ang masungit na iyan este naging masungit pala.' Nakangiting hinarap ni Yana ang hipag na kapwa na ring may edad. Hindi na nga lang niya isinama ang apo ng asawa niyang best friend ng apo sa Mckevin. Sa pahayag ng hipag niya ay napaisip si Grasya Kaskasera. May punto rin naman ito. Kaya't napatingin siya sa anak at manugang. "How about you, Janellah, Jameston?" tanong niya. "Sang-ayon po ako kay Mama Yana, Mommy. Actually, hindi lang si Allick Francisco ang naalala ko dahil sa MARGARITA. Apat silang magkakaibigan. A few years ago, nakita ko sila sa Papa Shane at sa bahay sa Isabela. Allick Francisco, Brian Niel, Oliver Carl and Franklin Craig. At sina Franklin Craig at Oliver Carl ay mga apo ni Papa Terrence. They are both from Harden. Even that young man, Oliver Carl is my nephew. Kaya't kung ako po ang tatanungin ninyo ay papayag po akong sa MARGARITA natin dalhin si Jervin. In that way, may paraan din tayo na makibalita." Sang-ayon ng huli o si Jameston. "Well, huwag n'yo na po akong tanungin. Dahil naipaliwanag na ng asawa ko ako kaya't sasang-ayon na rin. Lahat tayo ay iisa ang ninanais, ang gumaling ang taong iyon. At tungkol sa therapist ay sa mga kakilala na rin natin hanapin or ipagtanong dahil mahirap na ang magtiwala sa ngayon." Napatango-tango na rin si Janellah Pearl. So it be! Sa barko ng mga MONDRAGON nila dadalhin ang pinakabatang Heneral ngunit mayroong selective amnesia. CAMP VILLAMOR "CONGRATULATIONS, General! Sa wakas ay ikaw ang bagong ama ng kampong pinagpapasa-pasahan ng mga hay*p." Masayang pagbati ng isang supporter ni Major-Kernel Hilton. "Well, hindi ko nagawang pabagsakin ang mga iyon kung hindi dahil sa tulong ninyo mga kasama. Kaya't ang nararapat na sabihing congratulations sa ating lahat. Simula pa lang ito, guys. Kaya't aasahan kong suportahan n'yo pa rin ang administration natin kahaya sa pagsuporta sa akin mula noon," tugon ng Major-Kernel na abala sa pagmamasid sa General's office. "Sure na sure iyan, General. Kami pa ba? Wala ang hustler of the battlefield, wala na rin sa kampo ang umayaw kuno sa promotion. Ang tanging nandito ay pinsan nilang Lieutenant General. Ngunit ano ba ang magagawa no'n samantalang wala silang kakampi? At isa pa ay ikaw na ang General kaya't natural ang ama ng kampo at higit sa lahat ay ikaw ang masusunod," giit pa ng isa. "Still, kailangan natin ang mag-ingat mga kasama. Tandaan ninyong kahit military Camp ito ay may taong bayan pa rin tayong dapat alagaan. For now, ang maglinis sa loob ng kampo ang ating gagawin," muli ay wika ng umangkin sa General's position. At sa kanilang pagpapatuloy ay marami-rami rin silang pinag-usapang plano. SAMANTALANG naghahanda si Mirriam na papasok sa Calvin's Hospital bilang Physical Therapist nang tumunog ang kaniyang cellphone. 'Ano kaya ang sasabihin nila? Bakit tumatawag si Ma'am Grace?' Katanungang tumatakbo sa isipan niya ng napagsino ang caller. "Hello, Ma'am. Kumusta po?" 'Okay lang, Hija. Maari bang dumaan ka rito sa bahay kung wala kang pasok? O 'di naman kaya ay mamayang after work.' "Sure, Ma'am. Darating po ako. Pero para mas sure ay mamayang hapon po dahil sa katunayan ay papasok na po ako sa work," tugon niya. 'Sige, Hija. Hihintayin ka namin mamayang hapon. Maraming salamat, Hija.' Nang nawala na sa kabilang linya ang kausap o ang butihing Ginang ay bahagyang nagpakawala ng malalim na hininga. 'It's been a while since I've been their family's physical therapist. Sino kaya sa kanila ang nangangailangan ng therapy ngayon?' aniya sa sarili. Kaso! "Ano ba ang nangyayari sa mundo at ginawa na yatang call center ang cellphone ko?" "Hello! Aba'y may trabaho pa akong naghihintay kaya't maari bang tantanan n'yo muna ako?!" aniyang hindi man lang inalam kung sino ang nasa kabilang linya. 'Listen carefully, Mirriam. Alam kong nabonosesan mo ako. Kaya't kung ako sa iyo ay makinig ka ng maayos. Pagkatapos ng trabaho mo ay pumunta ka sa bahay. Dahil may pag-uusapan tayo. Kung may naka-ser kang lakad ay kanselahin mo. Kailangan nating mag-usap. Tandaan mong hindi ka maaring humindi!' "Hah! Nakaupo ka lang sa General's position pero mukhang nananakot ka na, GENERAL? Well, kahit pa ikaw ang presidente kung mayroon akong trabaho ay matutto kang maghintay! Darating ako pero hindi ko alam kung ano'ng oras. Aige na at maibaba ko ang cellphone ko. Papasok pa ako sa trabaho." Hindi ns miya hinintay na makasagot ang nasa kabilang linya bagkos ay nagmadali niyang pinatay a tawagan saka isinilid sa bag. Dahil kung magpadala siya sa pagngingitngit ay mawawalan siya ng trabaho!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD