NILALARO ANG PATUTOY NIYA!

1054 Words
"WHAT the h*ll you are doing?!" Bakas ang inis sa boses ni Jervin dahil sa babaeng basta na lamang sumulpot sa kaniyang silid. "Heh! Nasa earth pa tayo, kamahalan. Wala sa hell. Tsk!" tugon nito. "D*mn! Alam ko! Walang ibang pumapasok dito maliban sa mga magulang at ninuno ko. Kaya't sumagot ka ng maayos, babae!" Umagang-umaga pero sira na naman ang araw niya! Pero, teka lang! Kung basta ito pumasok ay baka bagong therapist na naman ito. Sa kaisipang iyon ay napataas ang kilay niya. "Hmmm... Kung hindi ako nagkakamali ay hindi nalalayo ang edad natin. Pero base sa mga nakasabit diyan sa dingding ay isa kang General. So, you must be the youngest General in town." Dinig niyang sambit nito imbes na sagutin siya. Tuloy! Mas napataas ang kilay niya! "Hey! Maari ka ng umuwi kung isa kang therapist. Dahil wala kang mapapala sa silid ko!" Bulyaw niyang muli. Ah, talagang umiinit ang ulo niya sa mga therapist na kinukuha ng mga mahal niya sa buhay. Lalo na ang babaeng basta na lamang pumasok sa kaniyang silid. "HEY ka rin, Sir General! May pangalan naman ako na kasing-ganda ko eh! Bakit ba ang sungit-sungit mo? Siguro may regla ka ano?" Pang-aasar pa ng dalaga sa nakaupo sa wheelchair na binatang general. Well, mayroon naman siyang blessing mula sa mga magulang nito. She can do anything just to take care of the youngest General in who's imprisoned by the wheelchair. 'Magsungit ka hanggang gusto mo. Wala ka namang magagawa dahil nakaupo ka sa silyang de-gulong!' Lihim tuloy siyang nagbunyi dahil sa kaisipang iyon. Lalo at kitang-kita niya sa sulok ng mga mata kung paano ito kumunot-noo. Ang pagsalubong ng malalagong kilay na bumagay sa matang agila nito. SAMANTALA..."Mukhang nakahanap na talaga ang binata natin ng katapat ah," wika ni Ginoong Jameston habang panay ang pagtingala sa ikalawang palapag ng kabahayan. "Paano mo naman nasabi iyan, hubby ko?" tuloy ay tanong ng mahal na asawa. Kaso bago pa ito makasagot ay ang babaerong si Jerwayne Luke ang maagap na nagpaliwanag. "Ako na po ang sasagot, mother earth. Ah, Mirriam yata ang pangalan ayon kay Grandma. Siya ang bukod tanging hindi nasisindak sa pagsusungit ni twin brother general. Dinig na dinig ko pa kung paano siya palabasin ni brother kaso gumanti lang ng HEY. Meaning, hindi natatakot," paliwanag nito. Sa narinig ay tuluyang kumawala ang ngiting pilit sinusupil ng Ginoo. Kuhang-kuha nito ang nais niyang tumbukin. Ibubuka pa nga lamang niya ang labi upang sabihin sanang ang kasalukuyang nasa taas ang siguradong magtatagal sa anak nila. Subalit naunahan naman siya ng asawa. "Aba'y magpasalamat na lamang kayong mag-ama kung ganoon. Dahil ilang buwan na ring papalit-palit ng therapist dahil walang tumatagal. Kaya nga walang improvement sa paralysed part ng katawan niya," sambit nito. "Yes na yes, mother earth. Kaya't diyan na muna kayo at dadaanan ko pa si Evie my loves---" "Heh! Huwag na huwag mong maiday-damay ang taong walang gusto sa iyo, Hijo. Kung ayaw mong kami mismo ang papalo sa iyo. Mambabae ka hanggat gusto mo huwag lang sa mga malalapit sa atin!" Pamumutol na nga ng Ginang ay sininghalan pa! Tuloy! Napakamot sa ulo ang binata. Ganoon pa man ay nagpatuloy siya sa lakad. 'Si mother earth talaga, oo. Hindi na mabiro. Dinaig pa si Grandma sa tinis ng boses,' aniya sa isipan habang naglalakad palabas ng kanilang tahanan. "NANIWALA ka namang dadaan iyon sa clinic, asawa ko? Kung sa pinsan niya kay bayaw BC ay maniniwala pa ako. Dahil silang dalawa ang kapwa mahilig sa negosyo," ilang sandali ay wika ng Ginoo. "Totoo man o hindi ay halata namang nagpapansin ang taong iyon sa dalagang ampon nina Mommy at Daddy. Ah, bahala siyang kurot-kurutin ni Mommy kapag lolokohin si Evie." Kibit-balikat naman ng Ginang. Well, may tiwala naman siya sa mga anak. Kaya't hanggat walang kababalaghang ginagawa ay mananatili siyang tahimik at hindi makikialam. CAMP VILLAMOR "General! General!" habol-habol ang hiningang saad ng isa sa mga tauhan ni Major-Kernel Hilton. Oo, kahit nag-self proclaimed itong ama ng kampo ay Major-Kernel pa rin sa imahe ng mga tao. "Nandito tayo sa Camp Villamor, Officer Millare. Kaya't maari bang kumilos at magsalita ka ng naaayon? Ano ba ang problema at habol-habol mo ang iyong hininga?" patanong na wika ng opisyal. Kahit sa kaloob-looban ay gustong sipain ito. Dahil bukod sa nagulat siya ay ayaw din niyang makatawag ng atensiyon. Well, it's been few months since he raised a military Coup d'état. Kaya't ganoon na rin siya katagal sa posisyong matagal na niyang inasam-asam. "Sorry po, General. Ngunit mayroon akong bad news. Ayon sa nga tauhan nating nasa South West ng Mindanao and Malaysia ay ilang araw nang wala roon si Brigadier General Aguillar. Ngunit ang mga tauhan ay nanatiling nandoon. Subalit ang ipinagtataka nila ay wala raw kaalam-alam ang mga ito," pahayag nito. "What? Hah! Naniwala naman kayong walang kaalam-alam ang mga l!nt!k? Alalahanin ninyong nagtagumpay tayong lahat na pinaalis sa kampo si Smith dahil wala ang hustler na iyon dito sa Baguio. Kaya't gawin ninyo ang nararapat upang malaman nag totoo," aniya. "Yes, General. Ipinasabi pala ng kasamahan ko sa main gate na huwag mong iwala abg atensiyon sa LG at MG. Kung ano man po ang rason o dahilan nito at sa bagay na iyan ay hindi ko alam. Sige po, General. Mauna na po ako." Pamamaalam nito kasabay nang pagsaludo. Hindi na siya sumagot bagkus ay tumango na lamang. Dahil ang isipan niya ay abala sa pag-iisip sa maaring dahilan kung bakit nasabi iyon ng tauhang nasa main gate. And yes! Pinuno niya ng mga tauhan ang main spot ng kampo. Dahil ayaw niyang mauwi sa wala ang pinaghirapan at pinagplanuhan ng ilang taon. 'Mga hay*p kayong lahat! Kung inaakala n'yong basta-basta ko isusuko ang puwestong ito ay nagkakamali kayo. Ngayon pa kayang ako ang namumuo rito? No way! Tapos na ang maliligayang araw ninyo!' Ngitngit niya habang nakatanaw sa pintuan ng kaniyang opisina o ang General's office. Kulang na lamang ay matunaw ito. But at the end, nagsimulang sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. KINAGABIHAN... Dahil na rin sa hindi naman siya sanay sa buhay na walang ginagawa ay tuwi-tuwina siyang nagigising. Kaso sa gabing iyon ay mukhang napahimbing ang tulog niya. Dahil iba ang nagpagising sa kaniya! May... Mayroong nakapapaibabaw sa kaniya! Hindi lang iyon! Nilalaro ang kaniyang patutoy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD