Step Four:

1466 Words
Step Four. Harold John Silvestre's Point of View: Shit. Parang hindi pa rin naaalis iyong labi n'ya sa labi ko. Ang lambot ng labi nya! Dampi lang iyon pero para na akong mababaliw sa sobrang saya! Kasi naman, 'di ba?! Nahalikan ko sya! Si Kassandrea Kray Dela Cruz, nahalikan ko! Iyong babaeng pinapangarap ko, nahalikan ko sa labi, f**k! Ang saya, ang saya saya! Sumayaw-sayaw ako habang hinahalo ang juice na gagawin naming chaser. Nawi-weirdohan na nga sa akin ang mga kaibigan ko pero wala akong pake! Basta ako, masayang masaya! Wala akong pake kung para sa kanila, nababaliw na ang pinakagwapo nilang kaibigan. "Bakit kaya ganyan na naman 'yan?" rinig kong tanong ni Cash. "Hindi ko alam, e, ilang araw na 'yang parang baliw," sagot naman ni Uno. "Baka dahil kay tomboy?" Napatigil ako sa pagsasayaw nang sabihin iyon ni Shivan. Nilingon ko s'ya at saka sinamaan ng tingin. Iyong tingin na pwedeng saksakin iyong ngalangala n'ya, bwiset! "Hoy! Hindi siya tomboy! Boyish lang!" depensa ko. Nagkatinginan silang tatlo, parang nag-uusap gamit ang mga isip hanggang sa  ilang sandali lang ay mukhang sasabog na sila sa tuwa. "Hindi raw tomboy?" Bumunghalit na ngayon ng tawa si Cash. Sumabay na rin sila Uno at Shivan. Kahit kailan talaga nakakainis 'tong mga kaibigan ko, mga hindi supportive. "Boyish pero nagkakagusto sa babae?! 'Yong totoo?" tanong ni Shivan. Pinagbabato ko nga sila ng chips na nakapatong sa lamesa. Todo iwas silang lahat habang nagtatawanan pa rin. "Maghintay lang kayo at papatunayan ko sa inyo na hindi siya tomboy!" Sabay-sabay silang nagkibit balikat. "Good luck, pre!" Ngumiti si Uno. "Habang buhay ka na talagang virgin," pang-aasar naman ni Cash. "Bwiset kayo! Akala ko pa naman susuportahan ninyo na ako!" naiinis na sabi ko. Wala namang masamang maging virgin 'di ba? Kasi naman, eh, makakascore na sana ako roon sa dati kong girlfriend kung hindi lang dumating si Kray. Mas masarap kasing tingnan si Kray kaysa ang makipagsex sa ibang babae. Walangya, nangilabot agad ako maisip ko pa lang si Kray tumatayo na lahat ng dapat tumayo! "Bibigyan na lang kita ng chics ko, marami ako," alok ni Cash. "Huwag na natikman mo na iyon panigurado, kadiri." Sinalin ko na sa shot glass iyong unang tagay para sa akin. Ininom ko iyon nang diretso. Sanay naman na ako sa lasa ng alak. Kahit anong klaseng alak dahil kinse anyos pa lang yata kami nag-iinuman na kami. Hindi ko alam kung kailan kami nagsimula sa mga ganitong gawain pero isang araw ginagawa na namin. "Si Shivan dapat ang kinakausap n'yo nang ganyan dahil wala nang pag asa 'yan kay Madeline." Nilingon ko si Shivan at inabot sa kanya ang shot glass. Ngayon, s'ya naman ang naiirita. Huh! Gantihan lang! Galit na kinuha n'ya ang shot glass sa akin. "Tangina, 'wag lovelife ko ang bantayan mo. 'Yong tomboy mo ang bantayan mo at baka malingat ka lang sila na ni Ayesa." Nagtitigan kami pareho ng masama. "Pareho lang kayo, mga martyr! 'Di n'yo ko gayahin, maraming babae!" Mayabang na sabi ni Cash kaya sabay namin siyang binatukan ni Shivan. "Ulol, may aids ka na!" ~ Kassandrea Kray Dela Cruz's Point of View: "Anong nangyari diyan? Parang pinagsakluban ng langit at lupa?" Narinig kong tanong ni Jaxton. Nanggagalaiti talaga ako sa pagnanakaw ni Harold ng first kiss ko. Nakalimutan ko na 'yong pagiging brokenhearted ko dahil sa gagong Harold na 'yon! Ang tanging nasa isip ko na lang talaga eh, ang mabasag ang pagmumukha ng Harold na 'yon! "Hindi ko alam, kahapon ang drama ng itsura n'ya ngayon naman pang-action! Pwede nang gawing pelikula 'yang si Kray." Napatayo kaagad ako sa upuan ko nang nakangiting pumasok si Harold. Kinuha ko iyong plastic ng kurtina na ibinigay n'ya sa akin kahapon dahil balak kong ipakain ito sa kanya. "Hoy!" Nilapitan ko siya at saka ko tinulak. "Good morning din, love!" Nanlaki ang mga mata ko nang kinindatan pa n'ya ako. s**t, kinilabutan agad ako! Inangat ko kaagad ang kamao ko at bumwelo ako ng suntok. Ayun at pinatama ko sa pisngi n'ya. Natumba siya sa sahig. "Aray ko! Ang sakit!" "Kulang pa 'yan sa ginawa mo sa akin kahapon!" Naupo siya nang maayos at hinawakan ang pisngi niyang namumula. Pumutok pa nga ang labi n'ya, eh. Huh! Dapat lang 'yan sa kanya! "Grabe ka naman, para 'yon lang ganyan na ang reaksyon mo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at pinagpagan ang pantalon n'ya. "Bakit Kray, ano bang ginawa sa 'yo nitong si Harold at nang mabanatan namin 'yang gago na 'yan." Natuwa naman ako sa sinabi ni Allan. So, kampi sila sa akin. So, dapat magsumbong na ako sa kanila para naman mabangasan na nila itong si Harold. Dinuro ko si Harold sa mukha. Naaawa man ako sa sugat n'ya sa gilid ng labi, mas naaawa ako sa sarili ko dahil ninakawan n'ya ako ng halik! "Yang gago na 'yan, hinalikan ako kahapon!" Biglang tumahimik ang paligid. Pati mga kaklase namin sa loob ng classroom ay natigilan sa kani-kaniyang ginagawa. Tila may dumaan na anghel sa loob dahil tumahimik ang lahat. Inaasahan ko na magagalit sila Allan, na sasapakin nila si Harold pero tangina... "Puta! Nabinyagan si Kray!" Humagalpak nang tawa si Allan. "Harold, nice one!" Nag-high five pa si Harold at Allan. Nilingon ko naman si Allan sa likuran ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Akala ko ba kakampi niyo ako?!" Tinapik ni Allan ang balikat ko sabay ngiti. "Oo nga, pero akala ko naman kasi ginahasa ka na ni Harold halik lang naman pala." Sinamaan ko siya ng tingin at ibinalik ang tingin kay Harold. Malakas na hinagis ko sa kanya iyong plastic na may lamang kurtina. "Saksak mo sa lalamunan mo 'yan! 'Di ko gagamitin 'yan!" Tinalikuran ko na sila at bumalik sa upuan ko. Akala ko ba naman totoong mga kabigan ko sila. Eh, mukhang mas kampi pa sila kay Harold eh. Bwiset! Buong klase, itinutok ko lang ang atensyon ko sa professor namin. Buti nga hindi n'ya napansin na masama ang awra ko, eh. Dahil kung hindi, aasarin na naman ako ng prof namin. Alam n'ya kasing obsess sa akin si Harold. "Uy, sorry na Kray. Maliit na bagay lang naman kasi iyong kinagagalit mo kay Harold. Kung babanatan namin si Harold at iyon lang ang dahilan, magmumukha lang kaming mga bata." Paliwanag ni Allan. "Oo nga Kray, kaya sana maintindihan mo kami." Gatong pa ni Jaxton. Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat. "Okay, alam ko naman 'di n'yo ako maiintindihan, eh, kasi tunay na lalaki kayo." Nagdiretso na ako sa paglalakad palabas ng school. Hindi nila ako sinundan kasi alam nilang mas magagalit ako sa kanila kapag kinulit pa nila ako. Walking distance lang naman ang bahay namin mula dito sa school kaya naglalakad lang ako. "Pasabay ako, huh." Mabilis kong nilingon si Harold na ngayon ay katabi ko na. Ano na naman bang ginagawa ng lalaking 'to? Wala talaga s'yang magawa sa buhay n'ya at pinipeste n'ya ang buhay ko! Grrr! "Bakit sasabay ka sa akin?!" "Magkatapat lang tayo ng bahay at saka 'di ba sabi ko sa 'yo kung ayaw mong ikaw ang magkabit ng kurtina, ako ang maglalagay nito." Napahinto ako sa paglalakad ng sabihin n'ya iyon. "Seryoso ka ba?" Tumango-tango siya at naglakad nang dire-diretso, hindi na ako hinintay. "Seryoso ako." Hinabol ko siya sa paglalakad. Hindi n'ya ba alam na naroon si mama at hindi n'ya ako katulad na namumuhay ng mag-isa?! "Nandoon si mama!" Nagkibit-balikat siya. "Ayos lang." Hinablot ko kaagad iyong braso n'ya para pahintuin siya sa paglalakad. Ang bigat pa naman n'ya kasi ang laking lalaki n'ya! "Hindi pwede!" Nginitian n'ya ako 'tsaka kinindatan. "Sorry, pero hindi na magbabago ang desisyon ko." Hinatak n'ya pabalik ang braso n'ya sa akin tsaka tumakbo. Hala! Seryoso? Tatlong hakbang ko ay isang hakbang lang niya! Shit! Seryoso ba talaga siya?! Naku, baka kung anong sabihin n'ya sa mama ko! Walangyang Harold 'to! Nakakainis! "Hoy Harold!" Hinabol ko siya. Bwiset naman talaga! Hindi pa ako masyadong nakakarecover sa halik n'ya kahapon tapos ito na naman! Napakarami na n'yang kasalanan sa akin, bwiset! "Hoy Harold hindi ka pwedeng pumunta sa bahay!" Bwiset talaga! Diyos ko, ano na lang ang sasabihin ni mama? Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa nakarating na siya sa bahay. Nagdoorbell siya agad sa gate na mas lalong ikinakaba ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang binibilisan ko pa ang pag-takbo. Kaso huli na ang lahat nang bumukas ang gate ng bahay namin at lumabas doon si mama. Huminto ako sa paglalakad sa tabi ni Harold habang hinihingal hingal pa. "Magandang hapon po, mama." Ngiting ngiting bati ni Harold kay mama. Nangunot ang noo ni mama habang nakatingin kay Harold. Halos masapak ko na si Harold sa harap ni mama. Maka-mama akala n'ya nanay n'ya! . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD