Step Five:

1453 Words
Step Five. - "Mama?" Nagtatakang tanong ni mama kay Harold. Bahagyang kinurot ko si Harold sa tagiliran. Lintek na lalaki ito, naku po! Ipapahamak pa yata ako! "Future son-in-law mo po ako." Proud na proud pang sabi ni Harold kay mama. Napapikit na lamang ako saka mabilis na umiling. "Mama! Huwag kang maniniwala dito sa lalaking 'to! Baliw 'yan!" Diyos ko po, ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Binalingan ako ng tingin ni mama. Habang ako nagdadasal sa isip ko na sana paniwalaan ako ng sarili kong ina. "Ah, Kray anak akala ko ba tomboy ka?" Tanong ni mama sa akin, medyo nalilito. "Opo! Lalaki po talaga ako! Huwag po kayong maniniwala--" pero hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko, tinapos na iyon ni Harold. "Ma, nanliligaw po ako kay Kray. Mahal ko po sya at handa akong maghintay hanggang sa magpakababae sya." Biglang lumiwanag ang mukha ni mama sa sinabing iyon ni Harold. Ako naman, nagsimulang kumulo ang dugo. Kung wala lang talaga si mama sa harap namin, malamang sa malamang eh, napatay ko na itong lalaking 'to! Grabe talaga, woooh! Pinanganak ba 'tong si Harold para inisin ako? Tangina. "Ang ganda ng anak ko ano? Kahit maiksi na ang buhok n'ya at panlalaki na kung manamit, ang ganda ganda parin." Pagmamayabang ni mama. Nasapo ko na lamang ang noo ko. Baka naman magkasundo pa itong dalawang 'to? Sinasabi ko na nga ba eh, kaya ayokong pumunta dito si Harold, eh. "Opo, ang ganda ganda po talaga n'ya!" Maligayang pagsang-ayon naman ng gago. Mahinang hinampas ni mama si Harold sa dibdib. May pahigikgik pang nalalaman nakakainis talaga. "Syempre kanino pa ba magmamana? Edi sa akin, 'di ba?" Nakangiting tanong ni mama. Kumamot si Harold sa ulo n'ya at lumingon sa akin. Hindi ko kasi kamukha si mama... "Opo! Mana po sa inyo, maganda!" Puta. Hay naku. Nambola pa talaga. Hindi na lang ako kumibo, kasi ano pang ipandedepensa ko? Eh, ayan na! Magkasundo na sila! "Nga pala, halika pasok ka! Magmeryenda muna kayo." Alok ni mama kay Harold. Nanlaki naman ang mga mata ko lalo. "Ano?! Papapasukin mo 'yan sa bahay?!" Gulat na tanong ko. Tumango si mama. "Ano naman? Manliligaw mo sya 'di ba?" Nakangiting tanong pa ni mama. Pinadyak ko ang paa ko sa sahig. Naiinis na talaga, ayokong pumasok s'ya sa bahay! Mas lalo s'yang magiging feel at home, eh! "Mama naman, eh!" Reklamo ko. Hinila na ni mama si Harold. Habang papasok si Harold sa loob ng bahay namin ay lumingon muna sya sa akin tsaka pa kumindat. Nakakainis talaga! Pati ba naman si mama tinamaan ng charms ni Harold?! Kaasar! Inis akong pumasok sa loob at isinara ang gate. Dumiretso ako sa loob at nakita kong pinaupo kaagad ni mama si Harold sa sofa. Grabe, tiwalang tiwala talaga s'ya sa bakulaw na 'yan. "Sandali lang, ikukuha ko lang kayo ng meryenda." Paalam ni mama. Napapakamot sa ulo akong lumapit sa sofa. Iisa lang ang sofa namin! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako hindi nakuntento. Na sana dalawa ang sofa namin, para hindi kami tabi nitong si Harold! Bwiset. "Ang bait naman ng mama mo." Pagbubukas n'ya ng usapan nang makaupo narin ako sa sofa. Medyo malayo sa kanya. Hindi nga malayo kasi maliit lang itong sofa namin! "Mabait talaga ang mama ko." "Magkaiba kayo ng ugali." Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin. "Bakit? Totoo naman ah!" Depensa n'ya. "Wala akong sinabing hindi totoo." Inirapan ko sya tsaka nag iwas ng tingin. Kinuha ko na lang iyong phone ko sa bulsa ng bag ko. Napansin ko tuloy itong hita ko. Bakit kasi ang kinis at ang puti ko? At bakit ang iksi ng uniform namin? Baka mamaya pinagmamanyakan na ako nitong si Harold. Tama nga ako ng hinila dahil nang nilingon ko syang muli ay nakatingin sya sa hita ko. Parang tutulo na nga ang laway n'ya, eh. Mabilis ko namang tinakpan ang hita ko gamit ang bag ko. Tsaka ko sya binatukan. "Gago ka! Anong tinitingin tingin mo?!" Galit na saway ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin ng nakakaloko. "Wala, ang sama nito, tinitingnan ko lang yung legs mo eh." Ba't ba ang honest n'ya? Nag iwas sya ng tingin at ngumuso. Kaasar ha. Binuksan ko na lang yung phone ko at nagbasa ng mga messages. May text pa nga si Ayesa, eh. Nagsosorry na naman, 'di ko na lang pinansin kasi nagtatampo pa rin ako. May text din si Jaxton sa akin. From Jaxton: Bebe girl, sama ka sa amin ha? Sa sabado ng gabi! Party, party! Saktong pagkareply ko kay Jaxton ay dumating na si mama, may dalang banana q at isang pitsel ng juice. "Yan, meryenda muna kayo ha?" Nakangiting alok ni mama. Kumuha si mama ng mono block at inilagay sa tapat ng lamesa na katapat namin. Tsaka sya umupo. "Nga pala, nakikita na kita dati pa, eh. Pero hindi ko lang alam ang pangalan mo. 'Di ba ikaw yung nakatira dyan sa katapat naming bahay?" Pang-iintriga ni mama "Opo!" Masayang tumango si Harold habang ngumunguya ng banana q. "Ah, yung bahay nyo malaki pa sa bahay namin. Pero bakit parang walang nakatira? Ikaw lang nakatira dyan?" Ngayon ay kuryosong tanong naman ni mama. Hays kung makatanong naman! "Buwanan lang po kung umuwi si dad. Si mama naman patay na po. May kasama naman po ako, katulong namin sa bahay pero tuwing sabado at linggo pinapauwi ko po para mag day off." Tumango tango si mama. Kumuha narin sya ng banana q. "Ah, ganun ba. Pero pwede bang isa pang tanong?" Si mama talaga, mausisa, eh! Nakakaasar! "Ano po iyon?" "Ano 'yang dala mo?" Kinuha ni Harold ang plastic na may lamang kurtina sa tabi n'ya. "Ito po? Kurtina po, binibigay ko kay Kray pero ayaw tanggapin." Diretsong sabi ni Harold. Mahinang natawa tuloy si mama sa sinabi ni Harold. "Bakit naman kasi kurtina ang ibibigay mo at hindi bouquet ng flowers o kaya chocolates?" Natatawa pa ring tanong ni mama. "Mama!" Saway ko sa nanay ko na napakadaldal. Hay, grabe na kasi! "Eh, kasi po. Nasisilipan na sya sa bintana n'ya hindi pa n'ya alam. Lagi kasing nakabukas ang bintana n'ya." Pangangatwiran ni Harold. Lalong lumakas ang tawa ni mama. Ako naman, ito at pinagdidiskitahan ko na ang banana q stick. Nginangatngat ko narin! Grabe talaga, Harold. Sa oras na makalabas ka sa pamamahay namin, sasakalin talaga kita hanggang sa mawalan ka ng hininga! "Ang sweet mo naman..." kinikilig kilig na sabi pa ni mama. Napairap na lamang ako. "Hay nako ma, wala namang naninilip sa akin. Baka sya lang 'yon, kasi katapat ng bintana ng kwarto ko ang bintana n'ya!" Nilingon ako ni Harold tsaka pinanlakihan ako ng mga mata. "H-hindi ah, at saka! Ayos lang kung ako lang ang makakita, eh, kung ibang lalaki! Mahirap na!" Dagdag pa n'ya. Hindi ko na napigilan. Sinapak ko na ulit. Pero nagulat ako nang napahiga sya sa sofa sa lakas ng suntok ko sa mukha n'ya. "Naku, anak! Hala! Napatay mo yata!" Natatarantang tumayo si mama. Kinabahan rin ako bigla, s**t! Nakalimutan ko nga na may sugat pa sya sa labi kaninang umaga dahil sa suntok ko. "Hala! Anak, may dugo sa ilong! Kasalanan mo 'yan!" Gulat na sabi ni mama Nataranta na tuloy ako. Hala baka mamaya napatay ko nga talaga 'to? "Anong gagawin ko ma?" Natatarantang tanong ko. "Tatawagin ko si manong Henry, dalhin mo sa kwarto mo at ikaw ang gumamot sa sugat nya. Ayan oh, pati yung labi n'ya pumutok!" Tinuro pa ni mama ang kabilang labi ni Harold. Nasapo ko na lang ang noo ko. s**t, kasalanan ko pa tuloy! Tinawag nga ni mama si manong Henry. Hirap na hirap nga syang buhatin si Harold dahil ang laking tao ni Harold samantalang punggok si manong Henry kaya tinulungan ko na. Namomroblema tuloy ako habang pinupunasan ko iyong ilong n'ya. Baka mamaya nabali ang buto nito sa ilong, walangya! Hindi ko na kasi natansya ang galit ko sa kanya eh, nakakapikon kaya! Nilagyan ko rin ng gamot iyong magkabilang labi n'ya na parehong pumutok dahil sa suntok ko. Kawawa naman itong lalaking 'to. Bakit ba kasi ako ang nagustuhan nito? Mula highschool palang kinukulit na ako nito eh. Hanggang ngayong malapit na kaming grumaduate ng college. Tinitigan ko ang mukha ni Harold. Gwapo naman sya, maputi, matangos ang ilong, mamula mula ang labi. Mahaba pa ang pilik mata tsaka sobrang itim ng mga mata n'ya. Marami kaya ang nagkakagusto sa kanya, pero lahat iyong mga babaeng 'yon ay palihim lang ang pagkakagusto sa kanya dahil nga may pagkabasagulero sya na kahit babae pinapatulan. "Gwapong gwapo ka na sa akin niyan?" Nagulat ako ng bigla syang nagsalita. Napaatras ako bigla. "Shit." . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD