Step Thirty One. - "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jaxton. Nakatayo sya sa tapat ng gate namin, nakasuot ng simpleng puting sando at jagger pants. Sumandal sya sa gate ng bahay namin ay namulsa. "Manliligaw sana ako," wala sa sariling sabi n'ya. "Kaso mukhang huli na yata ako. Kayo na, eh." "Jaxton... hindi pa naman kami." "Hindi pa kayo? Pero kapag nanligaw ba ako sa'yo, may pag asa ako?" Umawang ang labi ko sa itinanong n'ya. Hindi ako makasagot. Kasi sa totoo lang wala naman syang pag asa, dahil mahal ko na si Harold at hindi iyon magbabago. Ngumiti sya ng matamlay. Dumukot sya sa kanyang bulsa at inilabas ang pakete ng sigarilyo. Nagsindi sya ng isa 'tsaka umalis na sa pagkakasandal sa gate. "Masaya ka ba kapag kasama mo sya?" Tanong n'ya muli. Kinagat ko ang ibabang