Step Eighteen. - KRAY Sumulyap ako sa salamin at inayos ang maiksi at nakawax kong buhok. Naka v-neck gray t-shirt ako at ripped jeans, pinaresan ko lang din ng rubber shoes na kulay puti. Kung lalaki lang talaga ako, baka ang dami ko ng nabihag na chics! Sinilip ko ang wrist watch ko, alas dyez na pala. Kaya lumabas na ako ng kwarto para umalis. "Ma, alis na po ako!" Paalam ko kay mama na abala sa labahan n'ya doon sa laundry room ng bahay. "Okay sige ingat!" Sigaw n'ya pabalik sa akin. Nakangiti akong lumabas ng bahay dahil sakto talaga ang tulog ko. Masarap ang gising ko at masarap rin ang almusal. Ang ganda pa ng panahon, hindi masyadong maaraw. "Love!" Ayan na, panira ng araw. Akala ko ba, nagtatampo siya sa akin? Bakit tinatawag n'ya ako ngayon? Humugot ako ng malalim na hin