Step Nineteen. - KRAY Birthday ngayon ni Harold, at wala akong balak pumunta dahil inuman ang magaganap. Hindi naman sa hindi ako nakikipag inuman sa kanila. Sa katunayan nga eh, kasama sila Jaxton at ang mga barkada ko. Pero parang kinakabahan talaga ako kaya ayokong pumunta. Mabuti pang magmukmok ako dito sa kwarto at maglaro na lang ng mobile legends. "Anak, nasa baba si Harold. Birthday daw n'ya ngayon, bakit hindi ka pupunta?" Tanong sa akin ni mama. Walang pasintabi, pumasok agad sa kwarto ko eh. Inalis ko ang tingin ko sa phone ko at binalingan ng tingin si mama. "Ma, hindi kami close kaya bakit ako pupunta?" Tumawa si mama at lumapit sa dulo ng kama ko. At saka umupo doon. "Hindi kayo close sa lagay na iyan ha? Lagi nga kayong magkasama eh." Natatawang sabi ni mama. Hina