Naging mainit at maalab ang halik na ipinapalasap sa kanya ni Frank, hindi malaman ni Valerie kung papaano siya tututol ngunit lalong naging pangahas ang labi nito kaya muli siyang nadala sa halik nito. "Frank," usal ni Valerie. Hindi malaman kung isa iyong pagtutol o hindi. Nagpatuloy lang si Frank sa pag-angkin sa kanyang labi. Pinipilit ng utak na itulak ito ngunit parang hindi nasunod ang mga kamay, imbes na itulak si Frank ay nagawa pa niyang gumanti ng haplos dito. Tila sinisilihan si Frank sa sandaling naglandas ang mainit na palad ni Valerie sa kanyang katawan. Hindi na mapiligan ang sarili at mabilis niya itong binuhat, bahagyang naramdaman ang pagtutol buhat dito ngunit muli niyang sinibasib ang labi nito ng mainit niyang halik. "Ohhh!" impit na ungol na kumawala sa mga labi