GUSTO pa sana ni Renz na magtungo sila sa bar ngunit nagpumilit si Valerie na umuwi na lamang. Bukod kasi sa medyo nananakit pa ang buong katawan ay gusto na muna niyang mapag-isa. May takot na umaahon sa dibdib na baka hindi magawang sagutin pa ang mga katanungan ni Renz sa kanya. Alam niyang nakikiramdam na ito kung ano ang namamagitan sa kanila ng kanyang boss. "Sure ka bang ayaw mo nang magpunta tayo sa bar, have some drinks," yakag pa ni Renz. "Salamat, Renz pero medyo masama pakiramdam ko," pagdadahilan niya sa lalaki. "N-Naulanan kasi ako kahapon kaya medyo ganito ang pakiramdam ko," dagdag pa niya at doon ay nakitang tila nawala ang pagdududa sa mukha ni Renz. "Are you feeling sick?" maya-maya ay concern na tanong na nito. "Dapat ay sinabi mo sa akin kanina," wika pa nito. "N-N