Nagwawala ang kalooban ni Catherine dahil sa mga pang-iinis ng tanging kaibigang naiwan sa kanya na si Diana, ngunit mas lalong umigting ang galit sa mga ibinalita nito sa kanya. "Hindi maaari!" malakas na turan na akmang ibabato ang nahawakan niyang picture frame na nasa ibabaw ng cabinet nang bumukas ang pinto at nakita roon ang kaibigang si Fitz. Agad itong napakunot-noo nang makita ang hawak na nasa ire na siyang ibabato sana. "O, mukhang galit na galit ka na naman?" anito sa kanya. "Buwisit!" bulalas na turan saka inilapag na lamang pabalik ang hawak na picture frame. "Naiinis na ako sa Diana na 'yon, nakabingwit lang ng matabang isda, akala mo kung sino na siya. Nakakainis!" palatak niya nang bigla ay magbunghalit sa tawa si Fritz, bagay na mas lalong kinainis. "Isa ka pa! Pare-pa