Hapit ni Frank ang kanyang baywang habang nakasunod sa waiter kung saan iginigiya sila patungo sa isang bakanteng mesa. Ramdam ni Valerie ang paggapang ng init gawa ng pagkakadikit ng kanilang mga katawan. "Are you okay?" dinig na tanong ni Frank, dahilan upang ito'y lingunin. "I'm good, hindi lang ako sanay sa ganitong lugar," tatwa niya, ngunit sa totoo lang ay naiilang siya sa lapit nito sa kanya dahil nagsisimula na namang maging iratiko ang pintig ng kanyang pulso at puso. "Hey, we are here to enjoy," paalala ng boss sa kanya na kanyang sinuklian ng tipid na ngiti. Mabilis siyang pinaghila ng upuan nito at pinaupo siya doon, habang agad rin itong naupo sa upuang laan para dito. Kinuha ang menu na binigay ng waiter saka binuklat iyon. Maya-maya ay binaba nito ang hawak at tumingin