Painit nang painit ang halikan nila Frank at Valerie, naramdaman na lamang ng huli na naikalawit na pala niya ang kanyang braso sa leeg ng boss. Mas lalong naging mapusok ang palitan nila ng halik nang gumapang ang mga palad ni Frank. Nagawa na nitong buksan ang unang dalawang butones ng blusa ni Valerie dahilan upang lumantad ang kanyang cleavage. Gumapang pababa sa leeg ang labi nito hanggang sa maramdaman na lamang ang paghinga ni Frank sa kanyang dibdib. Nalailang lunok si Valerie, gusto pa sanang namnamin ang ligayang dulot ng mga labi ni Frank pero kailangan na niya itong suwayin bago pa kung saan mapunta ang lahat. "Frank, no!" pigil niyang wika kay Frank nang maramdaman ang paghagilap ng palad nito sa hook ng kanyang bra. Mainam nang pigilan ito habang kaya pa niyang panaigin