Chapter 47:

2035 Words

Pabalik na si Frank sa kanyang opisina nang mamataan si Valerie sa may xerox machine station na tila may kinukulikot. Hindi niya tuloy naiwasang lapitan ito at nakitang tila hindi nito mapagana ng maayos ang xerox machine. "Ayos ka lang ba?" tanong niya. "Ay, kalabaw!" mabilis nitong turan sa kabiglaan. "Sir, bakit naman po kayo nanggugulat?" maang nito pagkatapos. Napangiti si Frank dahil kahit umiwas si Valerie ng tingin ay nakita niya ang pamumula ng mukha nito. "Nagulat ba kita?" tanong niya. "Sorry, napadaan ako nang makita kong tila may kinakalikot ka, ayaw bang gumana?" dagdag pa niya. Natahimik lamang si Valerie sa sinabi ng boss. Sa totoo lang ay malapit na siyang mairita kanina dahil ilang beses na niyang inayos ang ipi-print at ang bond papers sa pagkakalagay niya ay ayaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD