Ngunit ilang sandali na ang nakalilipas ay walang sampal o anumang ginawa sa kaniya si Valerie. Batid na niyang konting diga rito ay tuluyan din itong bibigay sa kaniyang bitag. Nakikini-kinita na niya ang dismayado at talunang mukha ni Henry kapag nagkataon. Hindi naman kasi inaasahang muli silang magtatagpo dahil sa iisang babae at iyon ay si Valerie. "Ahemmm!" tikhim na ni Valerie nang mapansing wala na yatang balak ang boss na bitawan ang kaniyang palad. Agad namang tumingin si Frank sa kaniya at binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti. Ngunit hindi nito binibitawan ang kaniyang mga palad. Naiilang man dahil sa manaka-nakang pagpisil nito ng palad pero hinayaan na lamang hanggang sa makarating sa isang condominium. Kitang sa labas pa lamang noon ay nag-aabang na ang isang seks