Tiniklop niya ang folder ng papeles na inaaral saka tumitig kay Catherine na tila mabangis na hayop na gustong lumapa sa sandaling iyon. "Pwes! Wala na tayo!" saad rito. "What?!" "You heard it right. From now on ay hindi na kita girlfriend dahil break na tayo!" matigas na turan sa babaeng mas lalong naging agresibo ang mukha. "No! Hindi ako papayag, Frank!" anito na naiiyak na. "I'm sorry, Catherine pero hindi ko na gusto ang pagiging agresibo mo at dominante. Wala na tayo!" pinal na turan at saka muling binuklat ang folder sa harapan. Ilang sandaling natahimik ang babae sa harapan hanggang sa magsalita ito. "No! You can't do that! Hindi ko mapapayagang mawalan ng ama ang magiging anak ko!" matigas na turan nito na nagpataas ng mukha ni Frank. "Anak?!" Ngumisi ang babaeng nasa h