Mas lalong naging maigting si Frank sa kanyang panunuyo kay Valerie ngunit kung gaano siya desidido ay ganoon din ito kapursigidong iwasan siya. Panay ang punta niya sa bahay ng tiyahin nito pero panay naman na si Valeen ang humaharap sa kanya. Kung hindi masama ang pakiramdam nito ay wala raw ito sa bahay ayon sa kapatid nito pero alam niyang ayaw lang siyang harapin ni Valerie. "Kuya, bumalik ka na lang next year, masama nga raw kasi ang pakiramdam ni ate," giit ni Valeen. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito sa sinabing babalik siya next year o hindi. "Sabihin mo sa ate mo, hindi ako aalis dito hangga't hindi siya lumalabas," giit naman ni Frank kay Valeen. Kitang-kita niya ang pag-ikot ng mga mata nito na tila pagod na sa pabalik-balik sa kapatid nito at sa kanya. Isang malalim na