Patulog na si Fritz nang maramdaman niyang tila may panganib sa kanyang paligid. Pinapakiramdaman niya ang apat niyang kasama, katatapos lang nilang mag-usap ni Catherine at ang tiyuhin nito na ginagawa nila ng paraan upang makalaya siya. Ipinangako sa kanya ni Catherine na makakalabas sa lalong madaling panahon kaya hindi puwedeng may mangyari sa kanyang hindi maganda. Palalim na ang gabi, tahimik na rin ang nasa kanilang mga selda. Maya-maya ay may naulinigan siyang nagbubulungan. "Ano, p're tulog na ba? Sabi ni buntis ay ibibigay niya ang pera sa pamilya natin sa oras na mapatay natin siya," turan ng tinig na narinig. Bigla ay kinabahan si Fritz sa kanyang narinig. 'Buntis,' ulit niya sa kanyang isipan. Ayaw man sana niyang isipin na si Catherine iyon pero tila wala namang iba siyang