Hindi napigilang hawakan ni Valerie ang labing hinalikan ni Frank, matapos siyang iwan nito. Napapangiti dahil sa mga binitiwan nitong salita, ngunit agad na pinalis ang ngiti nang makitang lumingon ito sa kanya. Ang ngiti ay pinalitan niya ng irap at nakitang napangiti naman ito sa kanya. Nang tuluyang nawala si Frank sa kanyang paningin ay mabilis siyang bumalik at tinungo ang banyo na siyang dating naman ni Renz na marahil ay nagtataka kung bakit siya natagalan. "Renz," may gulat na turan. "Nagulat ba kita?" agad namang tanong ng lalaki. "Hindi naman, pasensiya ka na, may nakita kasi akong kakilala," kaila niya rito. Nasa mata nito ang pagdududa ngunit hindi ito nagsalita pa, hindi na siya pumasok sa banyo, bagkus ay sumama na lamang kay Renz pabalik sa kanilang mesa. Naroroon pa