MATAPOS kumain ng tanghalian kasama ang mga magulang ay bumalik si Frank sa kanyang silid upang makapagpahinga, tutal ay hindi naman siya pumasok, sasamantalahin na niya iyon upang kahit papaano ay makapagpahinga naman. Ngunit hindi pa man siya nakakahiga sa kama ay binulabog na siya ng pagtunog ng private at business number niya. Agad na napakunot-noo nang makita ang mga kaibigan. "Ano namang kailangan ng dalawang ito?" aniya sa isipan at sabay pa talagang natawag sa kanya. Si Bray na lamang ang sinagot dahil sa private number niya ito tumawag. "Hello!" mabilis na bati sa kaibigan nang sagutin ang tawag nito. Halakhak ni Ken ang narinig sa background. "Is that Ken?" maang pa na tanong. "Yes, dude, hey, where are you? Are you alright?" sunod-sunod na tanong ni Bray. Napakunot-noo pa s