Hindi na napigilan pa ni Valerie ang sarili, ilang gabi rin siyang hindi siya pinatulog ng pag-iisip tungkol kay Frank at ngayong kasama na ito ay hindi niya mapigilang tugunin ang bawat halik at haplos nito. Mas lalong naging pangahas ang mga halik ni Frank sa kanya lalo na nang maramdaman nito ang hindi niya pagtutol sa nais nito. Nagsimulang gumapang at magmasahe ang palad dahilan para mas lalong mag-init ang buo niyang katawan. "Frank, please," usal ngunit hindi malaman kung ang pakiusap na iyon ay upang pigilan ito o 'di kaya ay ituloy nito ang ginagawa. Ano pa man ang ibig ipakahulugan ang kanyang pagsusumamo ay walang pakialam si Frank, patuloy ito sa paghalik at paghaplos sa buong katawan niya na mas lalong bumabaliw sa kanya. "Ohhh!" hindi niya napigilang mapaungol sa tindi n