Inis na inis si Catherine habang hinihintay ang dating ng kanyang abogado, kaibigan iyon ng kanyang ama noon. Ngayon niya lang ulit naalala ang mga magulang dahilan kung bakit nagkandaletse-letse ang kanyang buhay lalo na ang inang walang ginagawa kundi ang magsugal dahilan upang tuluyang mawala ang lahat sa kanila. "Sh*t! Kasalanan mo ang lahat ng ito, mommy!" usal niya habang hilam ng luha ang mga mata. Hindi naman siya magiging ganoon kadisperadong makuha si Frank kung maayos lang sana ang buhay nila hanggang ngayon. "Pesteng buhay ito!" bulalas pa niya, gusto niyang magwala pero hindi magawa. Kailangan niyang umisip ng paraan kung paano malulusutan ang bakal na rehas. Hindi naman nagtagal ay dumating din ang kanyang hinihintay. "Tito Patricio," aniya nang makita ang bumungad sa kin