Pagkauwi ni Frank sa kanyang condo matapos kausapin si Valerie ay hindi niya maiwasang manlumo at balikan sa isipan ang kanilang napag-usapan. Paulit-ulit binalikan sa isipan ang hitsura nito habang sinasabi nito kung gaano nito kagustong luyuan siya nito. Mabilis na tinungo ang kanyang mini bar at kinuha ang isang bote roon, matagal-tagal na rin noong huli siyang natambay sa kanyang mini bar. Binuksan ang boteng hawak at hindi na nag-abalang magsalin pa sa baso bagkus ay itinungga na lamang iyon. Sunod-sunod siyang napaubo nang mabigla ang lalamunan, nasamid kaya halos hindi makahinga. "Sh*t!" bulalas niya sa kawalan, ngunit nang mahamig ang sarili ay mabilis na inabot ang isang kopita at nagsalin doon. Tinungga iyon at sa pagkakataong iyon ay banayad na sa kanyang lalamunan na tila n