Galit na galit si Catherine habang nasa loob ng kanyang condo unit, kagagaling niya kasi sa ospital at nalamang buhay pa rin si Antonette. "May sa pusa talaga ang babaeng iyon, buwisit!" inis na turan sa kawalan. Hindi niya mapigilang manggigil at mabanas dahil buong akala niya ay mawawala na ang tinik sa kanyang lalamunan. Umupo siya sa sofa na nakaharap sa kanyang pintuan para makita agad pagpasok ni Fritz, dito niya ibabaling ang kanyang inis tutal ito naman ang palaging palpak. Nang umingit ang seradura ng pinto ay batid na niyang ito ang dumating, hinanda na niya ang throw pillow na hawak at pagbukas nga nito ng pinto ay ubod-lakas niyang hinagis ang maliit na unan sapol sa mukha nito. "Holy cow!" gilalas nito sa hindi napaghandaan na ginawa ni Catherine. "Ano na naman?" maktol ni