Matiim na nag-uusap sina Henry at Valerie nang bigla ay bulabugin sila nang biglaang pagtunog ng cell phone ng una. Agad niya iyong sinagot at napabulalas ito sa balitang sinabi nang sinumang tumatawag dito. "Hello, tita," mabilis na turan ni Henry nang makitang ang mama ni Antonette ang natawag sa kanya. May pagtataka man kung bakit ito natawag ay sinagot na lamang iyon. "Hello, Henry, papunta kami ngayon sa ospital. Itinakbo raw sa ospital ni Frank si Antonette," natatarantang tinig ng ginang sa kanya habang sa background nito ay dinig naman ang ilang kumosyon. "Po?! Bakit po sila magkasama at saang ospital?" mabilis na sabad rito. "Hindi ko rin alam, hijo, nagpaalam lang itong may katatagpuin. Ayaw ko pa ngang payagan kanina pero mapilit," litanya ng ginang. Saka mabilis na sinagot