CHAPTER 10

1133 Words
Daniel POV. Wala akong sinayang na oras at agad na umalis matapos masiguro na handa at loaded na ang mga tauhan ko. Kinakabahan ako hindi para sa sarili ko kun'di para sa asawa ko na hindi ko alam kung ano na ang sitwasyon at kalagayan nito sa mga oras na ito. Nagtataka ako dahil walang mga kaibigan at kamag-anak na pwedeng puntahan si Rechel. Kilala ko ang bawat tao sa paligid nito kaya may kutob ako na posibleng naunahan ako ni Laura at ng mga tauhan nito. Kung ito na ang tamang pagkakataon para singilin siya at tuluyang magkaharap kami na may hawak na sandata ay handa ako. Matagal ko na pinaghandaan ang araw na maghaharap kami para maiganti ko ang daddy ko at ang mga magulang ni Rechel. Alam ko na masama ang gumanti pero kung si Laura lang din naman ang taong 'yon ay handa kong isugal ang pangalan at reputation ko para makamit ang hustisya na ipinagkait nito sa akin at kay Rechel. Ilang oras din ang ginugol namin bago namin narating ang lugar kung saan may mark ng location ng asawa ko. Nakasunod sa akin ang mga tauhan ko maging ang mga tauhan ni Ariel na handa sa posibleng laban na kakaharapin. Siya na ang pinag-ayos ko ng lahat dahil wala na akong panahon para makipag-coordinate pa sa pulisya. Ayaw ko na magsayang ng oras dahil nanganganib ang buhay ni Rechel sa bawat minuto na wala ito sa proteksyon ko. Isang luma at malaking bahay ang nadatnan namin na ayon sa importante na inutusan ko na kumpermahin kung narito nga ang asawa ko ay maraming mga armadong kalalakihan ang nagbabantay sa paligid kaya sigurado na ako na hawak nga ni Laura si Rechel. Hindi na ako magtataka, sa lawak ng koneksyon ng babaeng 'yon ay may mga mata itong nakatutok sa amin ni Rechel at ng sandaling lumabas ito ay agad na kinidnap ang asawa ko matapos makakita ng magandang pagkakataon para makuha ito. Mahigpit ang hawak ko sa baril na nasa kanang palad ko ng dumating si Ariel kasama ng mga pulis na tinawagan nito. Hiningi ko ang secrecy ng operation na ito dahil alam ko na maraming koneksyon at galamay ang sindikato ni Laura sa pulisya kaya kung ako lang ay ayaw ko at wala akong tiwala pero nagpumilit si Ariel na tawagan ang kapatid nito na isang mataas na opisyal ng kapulisan at humingi ng ayuda kaya nagpadala agad ito ng special action force or SAF na tutulong sa rescue operation namin para kay Rechel. Wag lang talagang may gawin si Laura o ang mga tauhan nito na hindi maganda sa asawa ko dahil ako mismo ang magbubura sa kan'ya sa mundo. "Sir, were ready," sabi ng team leader ng SAF na kasama namin. Matapos ang maikling briefings kung saan ang mga posibleng exit point na kailangan bantayan para hindi makatakas ang mga ito at concrete na plano kung paano papasukin ang lugar ay agad na pinasok namin itong pinasok. Hindi ko alam kung makakalabas kami ng buhay dahil sa dami ng bantay pero siniguro ko na kahit anong mangyari ay hahanapin ko ang asawa ko at iligtas. Hindi ko hahayaan na mapahamak siya at masaktan. Kung kinakailangan na iharang ko sa umuulan na bala ang katawan ko para masagip ito at gagawin ko. She suffered a lot at tama na ang lahat ng 'yon. She deserves to be happy at 'yun ang sisiguraduhin ko oras na matapos ang lahat ng ito. Maingat pero mabilis na nakapasok kami sa perimeter ng lugar. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang malakas na putukan matapos makita ng isa sa mga tauhan na nagbabantay ang isa sa mga kasamahan ko at agad na pinaputukan. Hindi alintana sa akin ang sigawan at malakas na putok ng gumapang ako sa likod ng malaking bahay para makapasok sa kusina. Nakasunod sa akin si Ariel at ilang tauhan namin na siyang back up namin sa bawat movement na ginagawa namin. Alam ko na sa labas naka-focus ang mga ito dahil doon doon mas maraming sumugod na kasamahan namin. Isa kasi ito sa plano para mabilis naming mapapasok ang likuran. Ilang armadong kalalakihan din ang nakasagupa namin na nagbabantay din pala sa likuran. Nakita ng mga mata ko kung paano isa-isang nalagas ang kasama namin ni Ariel hanggang sa tinamaan sa hita ang kaibigan ko. "Kami na ang bahala dito, pasukin mo na sa loob. Bilisan mo bro at mag-ingat ka," sigaw ni Ariel habang nakikipagpalitan ng putok sa kalaban. Alam ko na kaya nitong protektahan ang sarili dahil Isa din itong magaling na alagad ng batas. Kaya kahit hindi ko gusto na iwan ito at pinili ko na tumakbo papasok para mahanap ang lugar kung nasaan si Rechel. Hindi nga nagkamali ang tracker na hawak ko dahil itinuro sa akin nito ang isang silid kung saan may dalawang mga lalaking nagbabantay sa labas ng pintuan. Armado ang mga ito ng mataas na kalibre ng baril kaya alam ko at sigurado ako na naroon nga sa silid na 'yon ang asawa ko. Habang abala ang lahat ay pagapang na nilapitan ko ang silid. Hindi ako agad napansin ng mga ito dahil abala ito sa pagtingin sa siwang ng maliit na bintana sa dulo ng pasilyo. Marahil para tingnan ang posibleng posisyon ng kalaban. Agad na pinutukan ko ng magkasunod sa likod ang dalawa na ikinabigla ng mga ito at paluhod na bumagsak sa sahig. Nakita ko ang mabilis na pagtutok ng baril sa direksyon ko ng isa sa mga ito kaya agad na sinipa ko sa mukha habang nakaluhod hanggang sa tuluyang bumagsak ito sa sahig. Hindi nakakilos ang isa dahil nakatutok sa ulo nito ang baril na hawak kaya nagawa ko ng mabilis ang kailangan ko ng pukpukin ko ng ulo ng baril na hawak ko ang likod ng ulo nito. Walang malay itong bumagsak sa harapan ko kaya mabilis ang kilos na kinapa ko ang susi sa bulsa nito hanggang sa makuha ko. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang kalunos-lunos na itsura ng asawa ko habang nakatali ang kamay at paa nito sa bakal na upuan. Nagtangis ang bagang ko ng makitang putok ang labi nito at namamaga ang mukha habang naitim ang kanang mata. Walang kahit anong salitang lumabas sa labi nito ng makita ako at nakatitig lang sa akin ng walang kahit na anong nababakas na emosyon sa mukha nito. Kinakabahan ako sa talim ng mata nito pero hindi ito ang oras para magtanong kaya tumakbo ako palapit dito. Kuyom ang kamao na mabilis na nilapitan ko ito habang rinig ko ang malakas na palitan ng putok sa labas. Wala na akong pakialam sa paligid ang mahalaga sa akin ay mapakawalan ko ang asawa ko at mai-alis ng ligtas sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD