CHAPTER 11

1405 Words
Daniel POV. Mabilis na nakalag ko ang mahigpit na tali sa kamay at paa ni Rechel. Kinakabahan ako sa kalamigan nito lalo na at hindi ito nagsasalita at nanatiling nakaupo matapos ko na mai-alis ito sa pagkakatali. Hindi ganito ang usual na behavior ng isang taong iniligtas at pinakawalan sa pagkakagapos. Tila ba baliwala dito ang nangyayari at nanatiling tulala. "Rechel let's go, let's get out in here. Get up," sabi ko dito na hinawakan ito sa kamay para hilahin patayo sa pagkakaupo. Baka kasi masyado itong na shock at hirap itong i-absorb and mga nangyayari. "Rechel," tawag ko dito ng hindi ito kumilos at kumibo man lamang. Malinaw na nakita ko ang pag-iling nito kasabay ng pagtalim ng mga mata. "At bakit ako sasama sa'yo? Anong palabas na naman ito Daniel? Hindi ako sasama sa'yo at lalong hindi mo na ako mabibilog ang ulo ko," matigas na sabi nito na nagpatigil sa paghakbang sana na gagawin ko. "Wife, please saka na natin pag-usapan ito. Kailangan na nating umalis dito dahil hindi ka ligtas dito," halos nagmamakaawa na sabi ko. "Tama ka, hindi ako ligtas dito pero hindi rin naman ako ligtas sa'yo," sagot nito. Napamaang ako. May pinanggalingan ang mga sinasabi nito. Hindi magandang idea talaga na hinayaan no itong mawala sa paningin ko. "Pag-uusapan natin ang tungkol dito kapag nakalabas na tayo. Let's go," muling pakiusap ko dito. "Bakit pa? Bakit pa Daniel? Para saan pa? Para palabasin na namatay ako sa barilan bakit hindi mo na lang ako barilin dito ng matapos na ang lahat ng ito ng hindi mo na ako pinapaikot-ikot!" sigaw nito. Awang ang labing napatingin ako dito. Never in my wildest dreams na inisip ko na saktan ni dulo ng daliri nito hence patayin ito. Umiling ako na baliwala ang malakas na tunog ng palitan ng putok ng mga baril sa labas. Tila ba kami lang dalawa at nasa ibang mundo kami ng mangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napalingon ako ng malakas at pabalya na bumukas ang pintuan at pumasok si Laura at ang armadong mga kasama nito saka pinalibutan kami ni Rechel. "Tapusin na natin ito, Laura," matigas na sabi ni Rechel saka tumayo sa upuan na kanina lang ay halos ayaw iwan nito. "Mabuti naman kung ganon at matino kang kausap," sagot ni Laura sabay labas ng isang puting folder. "Sign!" utos ni Laura kay Rechel. Seryoso akong nakatingin ng abutin ito ni Rechel at binuklat. Para itong bingi sa pakiusap ko na wag nitong pirmahan ang papel na hawak ng pirmahan nito ang kasulatan. "Mabilis ka naman palang kausap Rechel pinahirapan mo pa ang sarili mo. Hayan nasaktan ka pa tuloy," nakangising sabi ni Laura na akmang lalapitan si Rechel pero natigil sa paghakbang ng mabilis na pinunit ng asawa ko sa harap nito ang kasulatan. Nanlalaki ang mga mata na pinanood ito ni Laura at mga tauhan nito ng walang salitang lumabas sa bibig nito matapos na punitin ni Rechel ang papel. Mabilis na tinutukan ng baril ni Laura si Rechel na agad na hinarangan ko ng katawan ko at itinago ito sa likod ko para protektahan ito. Di bali ng mauna akong masaktan 'wag lang ang asawa ko. Pero nagkamali ako my akala na mananatili doon si Rechel tahil tinabig ako nito at hinarap si Laura. "Mapapatay mo ako pero hindi n'yo makukuha ang kahit ano sa ari-arian ng mga magulang ko. Hindi kita hahayaan na magtagumpay Laura! Hinding-hindi!" malakas na sigaw nito. Sa gitna ng sitwasyon, nagawa ko na hawakan ng mahigpit ang baril ko at itutok kay Laura na muling tinabig ni Rechel kaya naibaba ko ito. "Hindi ko na kailangan ng palabas n'yo. 'Wag ka ng magkunwari na poprotektahan mo ako pero isa ka rin na ganid sa yaman ng pamilya ko," matalim ang matang bumaling ito sa akin. Kunot noo at salubong ang kilay na binalingan ko ito ng tingin habang nakatutok pa rin kay Laura ang hawak na baril. Hindi ko alam kung bakit ganito ito magsalita pero isa lang ang alam ko may sinabi si Laura dito o baka nabilog nito ang ulo ng asawa ko para 'wag ng magtiwala ulit sa akin. Kung ganon nga ang nangyari ay nanalo ito dahil sa poot na nakikita ko sa mata ng asawa ko. "Anong sinasabi mo? Anong sinabi mo Laura sa kan'ya?" tiim bagang na tanong ko sa dalawa. Mapapatay ko talaga si Laura oras na mapatunayan ko ang hinala ko. "Bakit di kayo mag-usap na mag-ina? Dapat nagmano ka sa kan'ya kesa magkunwari ka na galit-galitan 'yun naman pala ay iisa kayo ng likaw ng bituka," mapang-uyam na sabi ng asawa ko. Itinutok ko ng derecho kay Laura ang baril na hawak ko. "Wala akong pakialam sa kasinungalingan na sinabi mo Laura. Ilalabas ko dito ang asawa ko kahit na anong mangyari," determinado na sabi ko. Nabuhay ang pag-asa sa puso ko ng makita na nakapasok din ng silid si Ariel. Kahit may tama ito ng bala sa katawan ay nagawa nitong makasunod sa amin na ngayon ay nakatutok na rin sa mga tauhan ni Laura and hawak na baril. "Talaga ba, talaga bang kaya mong ilabas dito si Rechel ng buhay?" nakainsulto na tanong no Laura saka pinindot ang hawak pala sa kaliwang palad na remote. Nagkatinginan kaming lahat ng narinig namin ang malakas na beep sound at ang biglaang pag-ilaw ng dalawang pulang maliit na screen na nakakabit sa dingding. "Sinisigurado ko na matatapos dito ang lahat. Nilagyan ko ng mga bomba ang buong lugar kaya nasisiguro ko na walang makakalabas ng buhay sa inyo dito sa bahay ko!" tila nababaliw na sigaw nito. "Baliw ka na Laura! Kaya mo talagang mandamay ng mga inosenteng tao. Bakit hindi na lang kayo nitong anak mo ang mamatay ng matapos na ang kasamaan n'yo?" galit din na sigaw ni Rechel habang nakaturo ang hintuturo sa akin. "A-anak? No! Hindi mo ako anak Laura at kahit kailan hindi mo ako magiging anak!" napasigaw na rin na sabi ko. Baliwala na sa akin ang nagtatanong na mga mata ni Rechel na nag-palipat-lipat sa amin ni Laura. Kahit kailan hindi ko matanggap ang kasinungalingan na sinasabi nito dahil siya ang dahilan ng sakit at kaguluhan sa buhay ko. "Kaya ayaw ko magpakilala sa'yo dahil sagad sa buto ang galit mo sa akin Daniel. Anak kita at kahit anong mangyari ay dugo ko ang nananalaytay sa ugat mo!" sigaw din nito pabalik. Parang nablangko ang paningin at pandinig ko sa sinabi nito kaya nakalabit ko ang gatilyo ng baril na hawak ko na nakatutok dito. Agad na gumanti ng putok ang mga tauhan nito ng makitang tinamaan si Laura at sapo ang dibdib na paluhod na bumagsak sa sahig. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari ng malakas na palitan ng putok ang narinig ko sa buong paligid mula kay Ariel at tauhan ni Laura na magkasunod na bumagsak kasabay ko na halos mapatid ang hininga sa sakit ng biglaang pagtama ng bala sa katawan ko. Nakita ko na tulalang nakatayo si Rechel habang nakatakip sa dalawang tenga ang dalawang kamay at luhang nakating sa akin. "Go wife, iligtas mo ang sarili mo. You need to get out in here. Be safe," sabi ko sa kabila ng nanlalabong paningin. Napaluhod si Rechel ng makitang bumagsak ako ng tuluyan. Agad na kinuha nito ang ulo ko at pinilit itulak sa balikat para makatayo pero sa tindi ng sakit ng mga balang tumama sa katawan ko ay hindi ko nagawa. Hysterical na sumisigaw ng tulong si Rechel habang naramdaman ko ang masaganang pag-patak ng luha nito sa mukha ko. Hindi ko alam kung nasaan na si Ariel dahil hindi ko na nabigyan ng atensyon ang posisyon nito ng magkasunod na tumama sa akin ang bala mula sa tauhan ni Laura. It's a close shot kaya mas malakas ang naging impact sa katawan ko. Nanlalabo ang paningin na nakita ko ang pagpasok ng ilang SAF members na kasama namin at lumapit ang mga ito saka binuhat ako. Sa papadilim na paningin ko nakita ko ang patakbong pagsunod ni Rechel habang sinasabi nitong lumaban ako. Alam ko na ligtas na si Rechel, natupad ko na ang pangako ko sa daddy ko at nailigtas ko na ang asawa ko. Sigurado ako na ligtas na ito matapos na mapatay ko si Laura. Wala akong pakialam kung totoo o hindi ang sinabi n'ya dahil kahit kailan hindi ko siya kikilalanin na ina. Hinding-hindi….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD