Chapter One

1692 Words
CAMILLE POV Lumaki ako na kasama ang Nanay at Kapatid ko na si Kate. Bata palang ay iniwan na kami ni Tatay. Tanda ko pa kung paano ako umiyak at nagmakaawa kay Tatay na huwag niya kaming iwan. Sa huli, Ginawa pa rin niya. Naiintindihan ko ang rason ni Tatay. Kailangan niyang lumayo samin para magkaroon kami ng maayos na buhay. Ang tanging magagawa lang ni tatay ay mapakain kami ng maayos at nasa tamang oras. Kahit na mahirap lang kami ay buo at masaya ang pamilyang meron ako. Nag-bago ang lahat ng bigla na lang hindi nagparamdam sa amin si Tatay. Ramdam ko at parati kong nakikita si Nanay na umiiyak. Naaawa ako sa sitwasyon namin ng Ina ko. Wala kaming idea kung ano na ba ang nangyari sa tatay ko. Nalaman na lang namin na may bago na siyang pamilya. Masakit pero kinailangan namin ni Nanay na ipagpatuloy ang buhay kahit wala na si Tatay. Sa batang edad ko palang ay natuto na akong dumiskarte para lang makatulong kay Nanay. Ilang buwan palang ang kapatid ko ng iwan kami ni Tatay kaya mahirap para saming mag-ina na maghanap ng pangtustos namin sa araw-araw. Kahit pagod si Nanay, Ginagawa niya ang lahat para mabuhay kaming magkapatid. Tinutulungan ko si Nanay sa pagtitinda ng lutong ulam at miryenda. Pumapasok ako sa school na may bitbit na ibebenta ko para lang magkapera. Tumuntong ako ng High School. Ganun pa din ang ginagawa ko. Pagkagraduate ko naman ng High School ay hindi ko na pinagpatuloy pa ang pag-aaral. Nagsimula ako magtrabaho bilang waitress sa isang Restaurant. Nung una ay naninibago pa ako at takot akong magkamali. Sinubukan ko maging matatag sa pagsubok ng buhay para lang makatulong sa pamilya ko. Habang lumilipas ang araw ay lumalaki na din ang kapatid ko at oras na para suklian ko ang paghihirap ng Nanay. Kahit na maliit ang sweldo at nakakapagod ang trabaho ko. Kakayanin ko, maibigay ko lang ang pangangailangan ng pamilya. Kung minsan ay hindi ko mapigilan ang umiyak at sisihin si Tatay. Hindi sana ganito ang buhay namin kung hindi niya kami iniwan at nakahanap ng ibang pamilya niya. Iniwan niya ang responsibilidad na sana ay siya ang gagawa. Ako na ang tumatayong Ama at padre de pamilya mag-mula ng iwan niya kami. Galit na galit ako sa kaniya at hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang patawarin sa dami ng kasalanan niya sa amin. "Camille, Mag-close na tayo." kahit pagod ay nakuha ko pa din ang ngumiti. "Sige Sir.." kakatapos ko lang maglinis. Kinuha ko na ang mga ginamit ko at inilagay sa tamang paglagyan. Sakto at pinayagan ako mag-leave bukas ng boss ko. Gusto ko itreat ang pamilya ko sa Mall. May konti akong ipon at matagal na rin ng huli kami nagbonding. Siguradong matutuwa si Kate. Mahilig pa naman iyon gumala. Pagkasara ng Resto. Umalis na rin ang iba pa namin katrabaho. Ako na lang ang mag-isa ng biglang may kotse ang tumigil sa harap ko. Kinabahan ako at baka may gagawing masama sa akin ang nasa loob ng kotse. Bumaba ang sakay nun. Tatakbo na sana ako ng pigilan ako ng gwapong lalaki. "Wait, Miss." Humarap ako sa taong iyon. Nagulat ako dahil lumapit siya sakin at inilahad ang kamay niya. Nag-dadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba. "I'm John Buenavidez." Aniya. Nang hindi niya mahintay ang pagtanggap ko sa kamay niya. Inabot ng lalaki ang kamay ko at siya mismo ang nakipagshake hands sakin. Agad ko iyon binawi. "Hindi kita kilala. Ano ba ang kailangan mo sakin?" Tanong ko. May sumilay na ngiti sa kaniyang labi. "I just want to know you. May I know your name?" Kumunot ang noo ko. "Ako si Camille at hindi ako Prosti. Kaya kung tapos ka na. Aalis na ako." masungit kong sabi. Bahagyang natawa ang kaharap ko. "I know your not a Prosti. Actually, I've been observing you since I tried to have lunch in this resto. Where you work." Aniya sakin. Alam naman pala niya. So, bakit kailangan pa niya ako makilala. Kung hindi prosti ang tingin niya sakin bakit pa siya lalapit sakin. Matapang ko siyang hinarap. Ngayun ko lang napansin ang kabuohan niya. Gwapo, Tisoy at higit sa lahat maganda ang pangangatawan niya. Hindi na ako magtataka pa kung may abs din siya. Pano kasi halatang babad sa gym ang biceps at muscles niya. Makalaglag panty ang itsura niya. Kulang na lang ay maglaway ako sa kaharap kong ito. "Miss?" "Miss? Do you hear me?" Aniya sa harapan ko. Natulala pala ako habang pinagmamasdan siya. Hindi niyo ako masisi kung pagnasahan ko ang lalaking ito. Ang gwapo kasi. Tumikhim ako para matanggal ang pumapasok sa isip ko. "May kailangan ka pa ba?" Ani ko at umiwas ng tingin. Pano ba naman ngumiti siya sakin at lalo siyang naging pogi sa paningin ko. "I want to offer you a Job." Agad ako napatingin sa kaniya. "Anong klaseng trabaho? Huwag mo sabihin sakin na gagawin mo akong prosti girl." Kinakabahan kong sabi. Ang pag-pipigil niya ng tawa ay kusang lumabas. Tawa ito ng tawa at halos hindi na makahinga. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "I'm Sorry, nakakatawa ka kasi. No, Hindi kita gagawin Prosti girl." Sagot niya at may inilabas na Calling Card. "Here take this. Ang trabaho na sinasabi ko ay Gusto kitang maging Fake Girlfriend." Sabi niya dahilan para mapatanga ako sa harap niya. "Anong sabi mo?" Pag-uulit ko. Baka nagkakamali lang ako ng narinig. "I want you to be my Fake Girlfriend." Pag-uulit nga niya sa una nitong sinabi. "Teka nga, Bakit gusto mo ako maging Fake Girlfriend. Tyaka Hello, Hindi mo pa ako lubos na kilala so bakit? Wala ka ba ibang kilala na pwede mo maging Fake Girlfriend. Gwapo ka naman at sigurado na maraming papatol sa alok mo." Sabi ko sa kaniya. Umiling siya sakin. "Do you find me attractive?" Aniya at ngumisi. Teka, bakit parang iba na to. "Sir, Sa dami ng sinabi ko yun lang ang pumasok at lumabas sa bibig mo. Oo, Gwapo ka sir. Kaya humanap ka na lang ng iba dahil hindi ko tatangapin ang alok mo." Iiwanan ko na sana siya ng hawakan niya ang kamay ko. "Please, I beg you. I need you to be my Girlfriend. Just atleast one year. I pay you, Name your price. I really need you so please. Consider my Offer. Alam ko na kailangan mo ng money to help your family. It's a Win-win situation. You got a job and you can help me in my problem." Pag-mamakaawa niya sakin. Pinag-isip ko ang sinabi niya. Kulang ang sweldo ko para saming pamilya. Lalo na ngayun na nasa High School na ang kapatid ko. Hindi ko pa siya nabibilhan ng mga kailangan niya at dahil sa madalas ay gipit kami. Hindi ko maibigay ang kailangan ni Kate. Pinag-iisipan ko na din ang mag-resign sa work ko at humanap ng mas malaki ang sweldo. Tanggapin ko kaya tong inooffer niya sakin? "So, Do you accept my offer?" tanong niya. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa lahat ng pwede niyang gawin fake girlfriend bakit ako ang pinili niya. "Bakit ako ang pinili mo?" Tanong ko. Huminga ito ng napakalalim. Mataman niya ako pinakatitigan at sinagot ako. "My mom, wants me to find a woman who she can easily get along and once and for all, just like her." Para itong problemado. Tama naman siya, ang hirap kaya makahanap ng taong madali mo makilala at pakisamahan. "Wala ka bang kilala or nililigawan na pwede mo ipakilala sa Mom mo?" Tanong ko. "Actually, If I only wanted. I can easily pull any woman around me and introduce to my mom I will do it. The problem is, My mom is so strict at kailangan maplease mo siya. At sa tingin ko kaya mo yun gawin kay Mom." Pag-dadahilan niya. "And I know your the one I've been looking for. You're fit for the Job." Aniya sakin at ngumiti. Tumaas ang kilay ko. Binobola lang ata ako nito. "Sigurado ka ba? Hindi ako mayaman at galing ako sa pamilya na broken family. Tingin ko, hindi ako papasa sa Mom mo." Alanganin kong sabi. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Trust me. I know my mom. She will like you. I promise so do you take the job or not?" Paninigurado niya. Tama ba ang disisyon ko? Sayang din kasi ang offer niya. At gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng boyfriend kahit fake lang. Wala kasi akong time mag-entertain ng manliligaw dahil mas priority ko ang pamilya ko. "Tinatanggap ko na. Kailan ba ako magsisimula?" Pag-payag ko. Agad na natuwa ang lalaking nasa harapan ko. "Thank you, You're my savior. I assure you. I will pay you kahit magkano pa. Basta wala ng bawian." Natutuwang aniya. Marahan akong tumango. Napa-isip ako, Tama ba ang naging disisyon ko? Bigla na lang ako nagdecide tapos hindi ko pa kilala ng lubos ang lalaking to. Tapos may gagawin palang masama sakin. Sa dami ng iniisip ko. Hindi ko napansin na tinatawag niya ako. Nawala ako sa focus. "Ihahatid na kita." Aniya sakin. Tumanggi ako pero hindi siya nagpatalo sakin. "No, I insist. Tyaka we need to discuss more about the details. Ayokong mapahiya ka in front of my Mom. Kailangan makilala natin ang isa't-isa. Habang hindi pa kita pinapakilala sa Magulang ko." Paliwanang niya. Pumayag na rin ako. Tutal dun din naman ang bagsak ng lahat. Pinagbuksan niya ako ng front seat habang siya naman ay sumunod na rin. Habang nasa byahe ay minabuti kong tandaan ang buong katahuan ng lalaking kasama ko. Sinabi ko sa kaniya ang adress ko. Alam niya na kung saan ang bahay ko at bukas na bukas ay sisimulan na namin ang kilalanin ang isa't-isa. John Nathaniel Buenavidez. Isang kilalang mayaman ang pamilya niya. May sarili siyang business. Nakapagtataka lang na sa dami ng babae d'yan ay ako pa ang nakita niya. Walang-wala ako sa kaniya. Hamak na mahirap lang ako at hindi mayaman at walang degree ang gusto niyang ipakilala sa Magulang niya. Parang nawalan ako ng kumpiyansa sa sarili. Tama ba ang disisyon kong ito? O isa lang malaking katangahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD