Chapter Two

1589 Words
CAMILLE POV MAHIMBING pa ang tulog ko ng bigla ako gisingin ni Kate. "Ate, bumangon ka na d'yan. Di ba ngayun tayo pupunta sa Mall. Nangako ka sakin." Aniya. Bumangon na ako at nag-ayos. Iniwan muna ako ni Kate at saktong pagdating ko sa kusina ay nakaluto na si Nanay. "Good morning Nay." Ngumiti sakin si Nanay. "Mag-almusal na kayo. Baka traffic na naman sa daan. Anong oras na tayo makakarating sa Mall." Agad kaming kumaing magkapatid. Nakikita ko na sobrang excited ng kapatid ko. May ngiti sa labing umalis kami sa bahay. Nagcommute kami hanggang sa makarating sa pinaka malapit na mall dito sa amin. Tuwang-tuwang unang pumasok sa mall si Kate. Nagkatinginan naman kami ni Nanay. "Mabuti na lang at naiisipan mong ipasyal ang kapatid mo. Lagi ko na lang siya nakikitang bored sa bahay." marahan akong tumango at ngumiti. "Alam ko Nay, kaya nga nag-ipon ako para makagala naman tayo paminsan-minsan." Sagot ko. Nagmamadaling-lumapit sakin si Kate. Hinila niya ako papasok sa National Books Store. Bumili ako ng ilang school supplies niya. Pagkatapos ay sa store naman ng mga sapatos. "Ate, Ang mahal dito. Kahit sa palengke na lang tayo bumili ng sapatos ko." Sabi ni Kate habang hawak ang sapatos na napili niya. "Huwag mo isipin ang presyo Kate. Sige na, Bayaran na natin yan." Nakangiti kong sabi. "Sigurado ka ba ate?" Paninigurado niya. "Oo, Tyaka sigurado naman ako na iingatan mo to." Tuwang-tuwa si Kate at napayakap pa sakin. Pinagmamasdan naman kami ni Nanay na may ngiti sa labi. "Thank you ate. Best ate ka talaga in the world." malakas na sigaw ni Kate. Agad ko siyang pinatigil. May iilan ang napatingin sa amin. Binayaran ko na ang sapatos at kumain kami sa isang fast food chain. Habang pinagmamasdan ko si Nanay at Kate na masaya ay mapapanatag na ang kalooban ko. Kaligayahan ng pamilya ko. Masaya na ako. Lahat gagawin ko para sa kanila. Wala man si Tatay, ang mahalaga kasama ko si Nanay at ang kapatid ko. Aaminin ko na hindi ko kahit kailan nakalimutan si Tatay. Wala man siya rito at kasama namin. Hindi ko maitatangi na miss ko na siya. Lalo na ang kapatid ko. Matapos kaming kumain ay nagpalakad-lakad muna kami bago maisipan umuwi. Napatigil kami sa isang pamilya at nagtatawanan. Masayang-masaya sila. Pati si Kate ay napatingin sa gawi nila. Naramdaman ko ang kamay ni Nanay sa likuran ko dahilan mapatingin ako sa kaniya. Pinagmamasdan ko si Kate. Kahit hindi niya sabihin sakin ang totoo ay alam ko na sabik siya sa pagmamahal ng isang Ama. Bata palang siya ay di na niya nakagisnan si Tatay. Katulad ko ay iniisip na sana bumalik si Tatay samin. Agad ko winaksi sa isip ko si Tatay. Kada maaalala ko siya ay hindi ko maiwasan na bumalik ang galit at inis sa pang-iiwan niya samin. Lumapit ako kay Kate. Hindi siya makatingin sakin. Nakikita ko rin sa mukha niya ang labis na lungkot. "Kate.. Halika na, Umuwi na tayo." Tumingin siya sakin at ngumiti pero hindi na umabot pa sa mga mata niya. Talagang malaki ang impact samin ng pang-iiwan samin ni Tatay. Kahit na maibigay namin ang lahat kay Kate. Hinahanap pa rin niya ang hindi namin maibigay sa kaniya at yun ang pagmamahal ng isang Ama. "Sige Ate.." Lumapit samin si Nanay. Nauna na silang maglakad. May napansin ako sa isang Cafe nakikita kasi rito mula sa labas ang costumers. Nagulat ako ng makita ang kamukha ni Tatay. No, Baka siya talaga si Tatay. Napansin din ako ng lalaki at mataman niya ako pinagmamasdan. May kasama itong dalawang babae. Hindi ko makita ang mukha nila dahil nakatalikod sila sa Glass wall. Si Tatay lang ang naka harap sa Glass wall at malayang nakikita ang mga dumadaan. Tinawag ako ni Kate. Ang malungkot na itsura nito ay wala na. Bumalik na rin sa sigla ang kapatid ko. Napansin ko na tumayo si Tatay kaya dali-dali akong tumakbo papunta kila Nanay at Kate. Inakbayan ko sila at nagmamadali kaming umalis. Ayokong magkaharap kami ni Tatay. Gusto ko na hindi na ulit magkrus ang mga landas namin. Ginusto niya ito kaya dapat lang na kami na mismo ang mag-give up sa kaniya. Hindi siya masaya samin na pamilya niya kaya mas maganda siguro ang ganito. Kahit na makaharap namin siya ay hindi namin kailangan pa na magmakaawa pa na bigyan niya kami ng Oras at panahon para makasama siya. Ilang taon na ang lumipas at alam ko na masaya na rin siya sa buhay niya ngayun. Pagkarating namin sa bahay. Agad na pinasok ni Kate sa kuwarto ang mga pinamili namin para sa kaniya. Lumapit sakin si Nanay. "Kanina ka pa tahimik anak. May problema ba?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim at sinagot si Nanay. Nag-baba ako ng tingin. "Nakita ko si Tatay, Nay." Ani ko. Alam ko na katulad ko ay nagulat din si Nanay. "Saan Anak?" "Sa Mall kanina Nay." hinila ni Nanay ang upuan sa tabi ko. "Bakit hindi mo sinabi sakin anak?" Tumingin ako kay Nanay. "Para saan pa Nay? Wala naman siya halaga pa satin. Tyaka mas mabuti na rin ang ganito. Ayokong magkaroon pa ng connection sa ama namin na walang ibang ginawa kundi ang iwan tayo." Sabi ko na mahihimigan ang inis. Ayoko ng makita siya at kung dumating man ang araw na magkita kami. Hindi ko maipapangako na hindi ko ipapakita kung gaano ko siya kinasusuklaman. "Nay, Ate. Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Kate na kakarating lang. Agad kaming tumahimik ni Nanay. "Wala kate." Tipid kong sagot. Marahang tumango ang kapatid ko. Lumapit siya samin at masuyo akong niyakap. Tumingala ako para tignan siya. "Salamat nga pala ate sa lahat ng sakripisyo mo para sakin. Pati na rin sayo Nay. Hindi man tayo kumpleto bilang pamilya. Masaya pa rin ako dahil sa kabila ng lahat nandyan kayo para sakin. Hindi niyo man maibigay sakin ang materyal na bagay, masaya na ako dahil kayo ang naging pamilya ko. Lahat gagawin ko para masuklian ko din ang mga paghihirap niyo." Mahabang pahayag ni Kate. Pareho kaming naluha sa sinabi ng Sweet kong kapatid. Hindi niya ako kahit kailan binigyan ng sakit sa ulo. Focus siya sa pag-aaral niya dahilan para lagi siyang nasa Top sa School niya. "Kate, Dapat lang na pag-igihan mo ang pag-aaral mo dahil hindi para samin kundi sa sarili mo. Ang magagawa lang namin ni Nanay ay supportahan ka at lagi kaming nandito para sayo. Masaya ako dahil lumaki ka na hindi naghahangad ng kung anong walang kabuluhan sa buhay. Binibigyan mo kami ng Rason ni Nanay para igihan namin ang pagta-trabaho para maibigay namin ang kahit kailan ay hindi mananakaw sayo. Kaya dapat makinig ka samin at huwag matigas ang ulo. Mahal na mahal ka namin ni Nanay." Masaya kong sabi. "Tama ang Ate Camille mo Kate. Ang gusto lang namin ay makapagtapos ka sa pag-aaral at matupad mo ang mga pangarap mo. Yun lang ang mahalaga samin anak." Yumakap sa kaniya si Kate. Natawa kami ni Kate ng makitang naluluha si Nanay. Sobrang sarap sa feeling na kasama ko ang pamilya na kahit kailan ay hindi mawawala sakin.. Biglang may tumawag sa Phone ko. Tumayo ako para makita kung sino ang tumatawag. Nagulat ako na makita ang Pangalan ng lalaking nakilala ko kagabi. Napasapo ako ng ulo ng maalala na ngayun kami dapat magkikita. Nawala sa isip ko ang pinag-usapan namin. Pinatay ko ang Call at hinarap ang pamilya ko. "Sino yung tumawag ate?" Tanong ni Kate. Ngumiti ako sa kanila. "Katrabaho ko." Sagot ko. Iniwan ko muna sila. Nagulat ako at muntik ko na mabitawan ang hawak na Phone. Sinagot ko ang Tawag ni John. "Hello.." "Bakit ngayun mo lang sinagot ang tawag ko. We supposed to see each other this day. I've been calling you but no one answering. Akala ko ba okay na tayo sa pinagkasunduan natin." halata ang inis sa boses ng kabilang linya. Napatampal ako ng noo. Oo nga pala, magkikita sana kami ngayun. "Sorry, Nakalimutan ko. Pwede bukas na lang tayo magkita. May pinuntahan kasi ako ngayun at nakalimutan ko ang usapan natin. Huwag ka mag-alala. Bukas free na free ako." Sabi ko. Biglang nag-call ended. Inis na tinignan ko ang Phone. Ang bastos, Nag-sorry na nga ako. Pinatayan pa ako ng tawag. "Akala mo naman kung sinong pagmamay-ari ako. Hindi ba pwedeng unahin ko muna pamilya ko kaysa sa Problema mo!" Inis kong sabi sa phone ko. "Ahemm." bahagya akong nagulat ng may nagsalita. Nanlaki ang mata ko na kaharap ko na ngayun si John!. "Sir, anong ginagawa mo dito?" Pagtataka kong sabi. Naka kunot ang noo nito habang pinagmamasdan ako. Narinig kaya niya sinabi ko? Patay. "I decide to see you. May oras pa naman para lumabas tayo." "Ha?" Lutang na sabi ko. Nakita ko ang pag-silay ng ngiti sa labi niya. "Right now." He said. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi ng kaharap ko. Nang maalala ko si Nanay ay tumigil ako. May pagtataka niya ako tinignan. "Mag-papaalam lang ako sa Pamilya ko." Tumigil siya at tumango. Bumalik ako sa bahay. Nag-paalam ako kay Nanay at puro tanong naman ang kapatid ko sakin. "Babalik din agad ako Nay." Paalam ko. Sinamahan nila ako hanggang pinto. "Sige anak. Mag-iingat ka ha." ngumiti ako at tumango. Habang papalapit ako kay John. May kung anong malakas na tumitibok sa bandang puso ko. Nakita ko ang ngiti nito. Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. In love na ba ako sa kaniya? Bakit parang ang bilis naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD