Chapter Three

1632 Words
CAMILLE POV Nanlalamig ang kamay ko. Halos ayokong mapatingin sa gawi ni John. Seryoso itong nagmamaneho hanggang sa basagin niya ang katahimikan. "Saan ba kayo nagpunta? Nung hindi kita matawagan. Hinanap ko pa kung saan ang bahay mo." Aniya. "Ah, Kasi ngayun lang kami nag-bonding ng pamilya ko kaya wala ka talagang dadatnan na tao sa bahay namin." Sagot ko. Marahan itong tumango. "Is that so. Anyway, Next time bring your phone. Kapag kailangan kita. I need to call you." Tumigil kami sa isang Malaking bahay. Naunang bumaba si John at pinagbuksan ako. Nag-thank you ako sa kaniya. Nasa tabi niya ako hanggang sa makapasok kami sa loob. "This is one of my friend's house. Balak nilang gawin Cafe ito." Aniya. "Zack Daniel Alfonzo." Aniya sa lalaking naka talikod samin. "John, What brings you here?" Tanong ng nangangalang Zack. Nakipagbro hug si John sa kaniya. "I want you to meet someone." sabi nito. "Who?" Sabay silang humarap sakin. May ngiti sa labing pinalapit ako ni John sa kanila. "I want you to meet Camille, She's the one i've been telling you." Ngumiti ako sa kaibigan ni John. "Nice to meet you Camille. I'm Zack and welcome to My house." Aniya habang may ngiti sa labi. Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. "Nice to meet you too." Ani ko. "You're Lucky John. I know she's the one you've been looking for. Mabuti at pumayag itong si Camille sa kahibangan mo." Sabi ni Zack sa kaibigan. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni John. Inanyayahan kami ni Zack sa living Area kung saan nandoon ang asawa niya. Nagpakilala siya bilang Samantha. Naupo kami sa Sofa ni John. "Bagay kayong dalawa." Ani ni Samantha. Ngumiti ako sa kaniya. Ang ganda ng Asawa ni Zack. Bagay na bagay din sila. Habang pinagmamasdan ko sila ay sobrang inlove sila sa isa't-isa. Nakaramdam ako ng inggit. Kailan ko rin kaya mararanasan ang magmahal. Yung tipong ayaw na ako pakawalan. Natatawa na lang ako sa isip ko. Matagal pa siguro ako makakahanap ng lalaking papayagan ko pumasok sa isip at puso ko. Ang mahalaga sa akin ang kapatid at ang Nanay. Tyaka na siguro ang lovelife, nandyan lang naman 'yan. Ang mahalaga pagtuonan ko muna ng atensyon ang Pamilya ko. "Ready ka na ba harapin si Tita, Camille?" Tanong ni Zack. Nagkatinginan kami ni John. Siya na ang sumagot para sakin. "Actually bro, nagsisimula palang kami magkakilala ni Camille." Aniya. Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon. "Well, Goodluck. I'm sure hindi magdadalawang-isip si Tita na tanggapin ka." Sabi ni Zack. Tahimik ako nakikinig sa kanila. Si John ang madalas nilang kausap. Kapag may tinatanong sila sakin tyaka lang ako sumasagot. Sobrang bait ng mag-asawang Alfonzo. habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasan na mamangha kung pano mag-care si Zack sa asawa niya. Nakikita ko na sobrang mahal nila ang isa't-isa. Siguradong walang makakasira sa relasyon nila. Iba ang nakikita ko sa kanila. Yung tipong ayaw nilang pakawalan ang isa't-isa. Hindi ako magtataka na matagal silang magsasama bilang mag-asawa. Gabi na ng hindi namin namamalayan. Nagdisisyon si Sam na magluto ng dinner para samin. Nagprisinta ako para tumulong. Pumayag si Sam. Sumunod ako sa kaniya sa Kusina. "Alam mo Camille, Masaya ako para sa inyo ni John." Aniya sakin. Nagdecide kami na magluto ng Adobo at Caldereta. Marami din siyang naisip na putahe kaya sobrang busy namin sa kusina. "Salamat Samantha." sabi ko. "Alam mo, ngayun lang may pinakilala samin si John na Girlfriend niya." Agad ako tumigil sa ginagawa. "Ang totoo niyan. Fake Girlfriend lang ako ni John." Pati si Sam ay napatigil din. Agad na kumunot ang noo nito. "Are you serious?" Nanlaki ang mata nito sa gulat. Marahan akong tumango. Nahiya ako bigla. Akala talaga nila ay may Relasyon kami ni John. Yung Relasyon na totoo at hindi Fake lang. Maya-maya lang ay nakahuma na sa gulat si Sam at ngumiti sakin. "Alam mo Camille. Kahit Fake lang o hindi ang relasyon niyo. Believe me, when it come to love. Walang fake or true sa feelings niyo para sa isa't-isa. Alam ko na darating yung time na magsisimula kayo bilang Fake at magiging totoo din." Aniya habang may ngiti sa labi. Natigilan ako sa sinabi ni Sam. May chance ba na magiging totoo ang relasyon namin ni John. Tingin ko ay hindi. Kailangan niya lang ako para may iharap siya sa Magulang niya. Yun lang ang papel ko sa buhay niya. "Ikaw ba Samantha. Sigurado ka na sa Asawa mo?" Humarap sakin si Sam. Malaki ang ngiti nito sa labi. "Mahal ko ang asawa ko. Kahit na magkaroon kami ng minsan hindi pagkakaunawaan. Naniniwala ako sa pangako sakin ng Asawa ko na kahit anong mangyari ay mamahalin namin ang isa't-isa. Tyaka malaki ang tiwala ko kay Zack. Kung dumating man yung time na magkaroon kami ng malaking away at mapagod kami sa isa't-isa. Atleast sinubukan namin. Sa ngayun, Gusto ko makita at maramdaman kung pano magmahal ang isang Zack Alfonzo. Marami na rin kaming pinag-daanan ng asawa ko. kaya confident ako na walang makakasira saming dalawa." Nakikita ko sa mga mata ni Samantha. Kung gaano nito kamahal si Zack. Ngumiti ako kay Samantha. Muli kami bumalik sa pagluluto. Nag-uusap kami ng mga bagay-bagay. Hanggang sa tanungin niya ang buhay ko. "Kamusta naman ang pamilya mo. Ako kasi kahit na kasama ko kung minsan ang pamilya ko. Hindi ko maiwasan na mainggit sa ibang tao lalo na kung focus sa kanila ang magulang nila. Ang parents ko kasi ay may ibang iniisip kundi ang business nila." Nalungkot si Sam ng maalala ang Magulang. "Mabuti ka pa nga at may kumpleto ka pang Pamilya. Maswerte ka pa rin kung tutuosin." Sagot ko at hindi maiwasan ang malungkot. "What do you mean Camille?" Naguguluhan nitong sabi. "Lumaki ako na merong Broken Family. Baby palang ang kapatid ko ng iwan kami ng Tatay ko. Hanggang ngayun ay 'di pa namin siya nakikita." Hinawakan ni Sam ang Kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya ng pilit. Ngayun lang ako nag-open Up sa ibang tao tungkol sa pamilya ko. Mas gusto ko kasi na sarilihin ang mga problema ko. Wala naman akong aasahang iba kundi ang sarili ko lang. "I'm sorry to hear that Camille. Siguro darating din ang time na magkikita at makakasama mo rin ang Father mo." Sabi ni Sam. "Hindi na ako umaasa Sam. Ngayun pa kaya na malaki na ang kapatid ko. Maayos na rin ang buhay namin na kahit wala siya." Sabi ko. Biglang nakaramdam ako ng tao sa likuran ko dahilan para lingunin ko. "Uy, John." Ani ko. "Malapit na kami Matapos." Sabi ni Sam sa asawa niya. Naglalambingan ang dalawa. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Masaya ako na nakilala ko si Sam at Zack. Tumingin ako kay John. Seryoso itong nakatingin sakin. "Gutom ka na ba?" Masuyo kong tanong. Umiling ito at tumabi sakin. Kumuha ako ng Plato at tinulungan naman ako ni John. Nang masigurado ko na kumpleto na ang nasa table. Tinulungan ko sumandok ng ulam si Sam. Naupo na ang magkaibigan sa Dinning Table. Nag-uusap sila ng matapos kami ni Sam. Nagsimula na kaming kumain. Hindi mawawala ang masayang kwentuhan. Agad ako naging Close sa mag-asawa. Masaya pala ang magkaroon ng kaibigan. Hindi ko kasi naranasan ang maglakwatsa at magkaroon ng totoong kaibigan na matatakbuhan ko. Mag-isa ko lang kasi hinaharap ang lahat. Hindi ako nagpapakita ng kahinaan sa harap ng ibang tao. Matapos nang masayang dinner ay nagpaalam na kami ni John sa mag-asawa. "Bumalik ulit kayo dito ah. Kapag naging Cafe na itong bahay namin." Sabi ni Sam. "Salamat sa masarap na pagkain Sam and Zack. Salamat din sa pagtanggap sakin." Masaya kong sabi. "Wala iyon. Pano ba yan, Mag-iingat kayo." Binalingan naman ni Sam si John. "Ingat sa pag-drive. Iuwi mo ng maayos itong si Camille." Pag-bibiro ni Sam kay John. Ngumiti si John at tumango. Muli ako nagpaalam sa kanila. Kumaway kami sa kanilang mag-asawa. Pumasok na kami sa loob ng kotse ni John. Habang nasa byahe ay hindi maikakaila na sobrang saya ko. Napansin iyon ni John. "Are you happy?" Tanong ni John. Dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Sobra, Sobrang bait nilang mag-asawa sakin." Sabi ko. "Ganun talaga ang mag-asawa. Tyaka sigurado na ganun din ang iba pa naming kaibigan kapag pinakilala kita sa kanila." May ngiti sa labi nitong sabi. "Hindi lang ba si Zack ang kaibigan mo?" Inosente kong tanong. Tumango si John. Nakafocus pa rin sa daan ang atensyon niya. "Oo, Sean, Marcus and Alvin. Lahat sila may mga asawa na. Yung ilan sa kanila bagong kasal lang. Si Marcus lang ang wala pang-asawa dahil nakatakda siyang magpakasal sa ibang babae." Sagot ni John. "Parang arrange marriage?" Tumango siya bilang sagot. Uso pa rin pala iyon. Malas nila dahil mahirap na silang makahanap ng ibang mamahalin. Lahat ay pilit. "Sir.." Pukaw ko sa atensyon niya. "Hmm?" Saglit niya ako tinapunan ng tingin. "Bakit hindi ka na lang makipag-arrange marriage? Katulad nga ng sabi mo sakin. Marami kang babae na kilala na pwedeng pumayag na maging Girlfriend o maging future wife mo." Sabi ko. Hindi niya ako sinagot. "Natatakot ka ba Camille?" Balik nitong tanong. "Natatakot saan?" Hininto ni John ang Kotse sa gilid ng kalsada at hinarap ako. "Na ma-in love sakin." Seryoso nitong sabi. Natahimik ako sandali. Dapat ko ba sagutin ang tanong niya? Tumingin ako sa mga mata niya. "Hindi ako Natatakot. Alam ko sa sarili ko na hindi ako kahit kailan magkakagusto sayo." Matapang kong sabi. Ngumisi si John. "Then, Let's See.." Bigla ako natahimik at pinag-isipan ang lahat ng napag-usapan namin. Ang totoo ay hindi ko pa sigurado ang lahat. Ngayun ko palang nakasama si John. Nakita ko kung gaano siya kabait sakin. Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kaniya kahit na Fake Relationship lang ang meron kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD