Chapter Four

1513 Words
CAMILLE POV Nakarating din kami sa Bahay. Siguradong tulog na sila nanay. Nagpaalam ako ng maayos kay John at ganun din siya sakin. "See you tomorrow." Ani nito. Marahan akong tumango at sinara ang pinto ng kotse. Binaba ni John ang Windshield. Kumaway ako sa kaniya hanggang sa umalis na ito ng tuluyan. Nakapatay ang ilaw sa loob ng bahay. Siguradong mahimbing na ang tulog na si Kate at Nanay. Hindi ko na binuksan ang ilaw para hindi na sila magising. Kinuha ko ang phone at sinilawan ang daan ko papuntang kuwarto. Halos mabitawan ko na ang hawak na Cellphone ng biglang sumulpot sa harap ko si Nanay. Agad ako napahawak sa dibdib ko sa labis na gulat. "Ano ba Nay'. Nakakagulat ka naman." Sabi ko. Binusakan ni Nanay ang ilaw at lumapit sakin. Ibinaba ko ang phone sa lamesa at kumuha ng tubig. "Bakit ngayun ka lang. Akala ko ba saglit ka lang aalis. Anong oras na oh. Pinag-alala mo ako." Sunod-sunod na sabi ni Nanay. "Nay, Nandito na ako oh. Tyaka huwag ka mag-aalala. Wala naman ako ginagawang masama." Sagot ko. "Camille, Umamin ka nga sakin. May nobyo ka na ba?" Halos maibuga ko ang iinumin ko sana na tubig. "Nay naman, Huwag ka nga mang-gulat. Tyaka wala ho akong nobyo." Sabi ko at Iniwas ang tingin. "Totoo ba yang sinasabi mo? Eh bakit may kotse na huminto sa harap ng bahay natin. Sino ba yun." Ayaw talaga ako tantanan ng tanong ni Nanay. "Nanay, Matulog na tayo. Pagod na ho ako." Tinulak ko si Nanay papuntang kuwarto. Huminto si Nanay at seryoso ako nitong tinitigan. "Malaman ko lang na may ginagawa kang masama Camille. Humanda ka sakin. Ayokong malaman na binebenta mo sarili mo para lang magkapera." Nagulat ako sa sinabi ni Nanay. "Nay naman hindi po ako nagbebenta ng katawan. Virgin parin ako tyaka hindi ako papayag na sirain ko ang buhay ko para lang magkaroon ng pera. Mas gusto ko pa rin na pagtrabahuan ang Pera na pang-gastos natin sa araw-araw." Mahabang paliwanang ko. Nakahinga naman ng maluwag si Nanay. "Eto ang tandaan mo Camille. Kahit na mahirap lang tayo. Ang mahalaga ay magkakasama tayong pamilya. Gumawa ka ng tama at siguradong uunlad din ang pamumuhay natin." Marahan akong tumango at ngumiti kay Nanay. "Matulog na Tayo Nay." Sabi ko. "Mabuti pa nga anak." Aniya. Nawala din sa isip ni Nanay ang nakita niya kagabi. Excited pumasok ang kapatid ko sa School. Hinatid ko pa siya. Nagresign na rin ako sa Trabaho ko. Ngayung araw ako magsisimula magtrabaho kay John. Sinabi nito na sa Company niya ako pumunta. Ang totoo ay kinakabahan ako. Ngayun lang ako makakaranas ng ganito. At first time ko rin ang magkaroon ng fake boyfriend. Kaya hindi ko alam ang gagawin. Magback out na kaya ako? Pero kada maiisip ko ang itsura ni John na nagmamakaawa sakin. Hindi ko maiwasan na hindi siya pagbigyan. Inis na napasabunot ako sa buhok. Ang gaga ko kasi. May lumapit lang sakin na gwapong lalaki. Pumayag agad ako sa alok niya kahit wala naman ako experience kung pano ba maging girlfriend. Bumaba ako sa isang malaking Building. Lumapit ako sa guard at tinanong kung pwede ba ako pumasok. Tinanong niya kung ano ang gagawin ko sa loob ng building. Sinabi ko na Girlfriend ako ng boss niyang si John. Hindi pa naniwala sakin ang Guard dahil sa itsura ko. Wala namang mali sa suot ko. Sadyang simple lang ako manamit. May tinawagan ang guard at pinapasok din agad ako. Lumapit sakin ang nagpakilalang Secretary ni John. Sinamahan niya ako hanggang sa Office ni John. Namamangha ako sa mga taong nasa paligid ko. Sobrang busy nila. At ngayun ko lang napagtanto na hindi basta-basta si John Buenavidez. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung tama ba ang disisyon kong ito. Nanliliit ako sa sarili. Nasa harapan na ako ng Office ni John. kumatok ako ng tatlong beses. Narinig ko ang Boses ni John kaya pumasok na ako. Busy si John sa harap ng computer niya. Seryoso ito, lumapit ako sa kaniya. "Good thing your here already." Aniya sakin. "Teka aalis ka ba?" Tanong ko. Bigla kasi siyang tumayo at inayos ang nasa ibabaw ng table niya. "Yes, At sasama ka sakin." Sabi niya at hinila na ang kamay ko. Naguguluhan ako sa lalaking ito. At saan naman niya ako dadalhin. Hindi na ako nagtanong pa kay John. May tiwala kasi ako sa kaniya. Naniniwala din ako na hindi siyang masamang tao. Tahimik kaming bumabyahe hanggang sa huminto kami sa isang Botique Shop. Bumaba ako ng kotse. Sumunod ako kay John sa Loob. "Choose whatever you want." Aniya sakin. "Ha?" Naguguluhan kong sabi. Kumunot ang noo niya sakin. Hindi na ako nagsalita pa at lumapit sa mga damit. Sobrang daming pagpipilian. Napansin ko na may babaeng lumapit kay John. Tumigil ako sa ginagawa at pinagmasdan sila. "Camille.." Pagtawag sakin ni John. Lumapit ako sa kanila. May ngiti sa labing pinakilala ako ni john sa Babaeng kaharap namin. "This is Rea Salvador. She owns this Botique Shop and Rea this is Camille my Girlfriend." sabi ni John. Inilahad ni Rea ang kamay sakin. Agad ko iyon tinanggap. "Nice to Meet you Camille. Don't hesitate to asked me. Ako na ang bahala sayo." Aniya at ngumiti sakin. Tinulungan ako ni Rea mamili ng Damit. Gusto ko sana tumanggi kay John pero nahihiya kasi ako na baka maoffend siya sa sasabihin ko. Hindi ko naman kailangan ng bagong damit. Tyaka wala sa ugali ko ang maging maarte sa katawan. Kahit ano na lang d'yan ay pwede ko suotin. Hindi pumayag si John at gusto niya na babagay sa kaniya ang babaeng katulad ko. Maraming pinamili si John para sakin. Nahihiya talaga ako kay John pero para sa kaniya ay deserve ko ang lahat ng binibigay niya sakin. Tinanggap ko na lang para hindi pag-mulan ng away namin. Pero pano ko ipapaliwanag kay Kate at Nanay ang lahat ng ito. Ayokong mag-isip sila ng masama sakin. Kumain kami ni John sa Isang sikat na Resturant. Halos malula ako sa laki ng babayaran ni John na foods namin. Hindi ko kayang magbayad ng libo-libo para lang sa isang pagkain. Pang-ilang buwang sweldo ko na iyon kung tutuosin. Habang nasa loob kami ng Kotse ni John. Napansin niya ang pananahimik ko. "Camille, May problema ba?" Tanong niya. Humarap ako kay John. "Naisip ko lang na nakakahiya sayo dahil kailangan mo pa bumili ng magagandang damit para lang masabi na desenteng babae ang Girlfriend mo." Sabi ko at nagbaba ng tingin. Bahagyang natawa si John. Tinitigan ko siya dahilan para tumigil din. "Camille, Walang mali sa ginawa ko. Kung na offend man kita. i'm sorry, Hindi sa pinaparamdam ko sayo na hindi ka bagay sakin. Trust me, Believe me na gusto ko kung pano ka kasimpleng babae. Hindi ko babaguhin kung ano ang naka sanayan mo na. Walang mali kung magkaroon ka din ng sarili mong gamit. Isipin mo na lang na regalo ko to sayo." May ngiti sa labing aniya. Nawala ang masamang iniisip ko dahil sa sinabi ni John.. "Thank you John." bukal sa loob kong pahayag. Bumalik kami sa Office niya. Masaya ako dahil nakilala ko si John. Mabuti siyang tao. Paunti-unti ay nakikilala na namin ang isa't-isa. Nakukuha ko na din ang tumawa at maging masaya. Dahil kay John ay nararanasan ko ang mga bagay na bihira ko lang maramdaman. Umuwi ako sa bahay at hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag kay Nanay at sa Kapatid ko ang mga binili para sakin ni John. Saktong pagdating ko ay pinagkaguluhan agad ako ng Pamilya ko. Ang dami nilang tanong pero hindi ako sumagot. Lahat ng bitbit kong paper bag ay inilapag ko sa ibabaw ng kama. Sumasakit ang ulo ko kung pano ko haharapin si Nanay. Siguradong naguguluhan na iyon ngayun. Ngayun lang kasi ako nag-uwi ng ganitong karaming Damit na halatang mamahalin at Accessories na hindi ko naman hilig isuot. Pumasok ang kapatid ko at hindi nakatakas ang pagkamangha niya sa mga nakikita. "Ate, Saan mo ba to nakuha?" Aniya at humarap sakin. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin. "Bigay 'yan sakin ng Friend ko." Sagot ko. Hindi naniniwala ang itsura ni Kate. "Ngayun ko lang narinig na may kaibigan ka." See pati sila ay naniniwala na wala ako ni isang kaibigan. "Sa maniwala ka o sa hindi. May nakilala ako na naging kaibigan ko sa Work ko. Kaya umalis ako kanina kasi sinama niya ako mamili. Ayoko sana pero ayaw niyang tanggihan ko siya." Agad na lumapit sakin si Kate. "Ate, ipakilala mo rin sakin yang kaibigan mo." Anito. Sinamaan ko siya ng tingin. "Mamili ka na lang ng gusto mo d'yan." Sabi ko at lumayo sa kaniya. "Sure ka ate?" Masaya nitong sabi. "Oo, kaya tumigil ka na sa kakatanong." Katulad ng sabi ko ay may napili na si kate ng ilang damit sa kama. Tuwang-tuwa siyang nagpasalamat sakin at ipinakita kay Nanay. Tahimik lang si Nanay at pinagmamasdan kami. Pano ko maipapaliwanang kay Nanay ang Lahat. Siguradong hindi siya maniniwala sa excuse ko. Bahala na, ang mahalaga ay susubukan ko siyang paniwalain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD