Chapter Five

1763 Words
CAMILLE POV Hinanap ng mga mata ko si Nanay. Lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Nanay na tahimik lang. tinabihan ko siya, napansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya kaya hindi ko magawang hindi siya kausapin. "Nay, May problema ba?" Masuyo kong tanong. Saglit niya ako tinapunan ng tingin. "Hindi ko lang maiwasan na isipin kung hindi ko nakilala ang tatay niyo ay sana maganda at maayos ang buhay ko." Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Nanay. "Nay, Nag-sisisi ka ba na pinakasalan mo si Tatay?" Tumingin sakin si Nanay at ngayun ay naluluha na. "Hindi ko pinagsisihan na dumating kayo ng kapatid mo sa buhay ko. Ang dami kong ginawang mali sa nakaraan ko at kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na pabayaan ka at ang kapatid mo. Kahit na wala na ang Tatay niyo." Yumakap ako kay Nanay. "Salamay Nay, Dahil hindi ka nag-kulang samin ni Kate." Pati ako ay naluluha na. Iniharap ako ni Nanay sa kaniya. Ngumiti siya pero halata pa rin ang lungkot. "Kung sana ay kasama natin ang Tatay mo. Maibibigay namin ang lahat sa inyo ni Kate." Agad ko pinatigil si Nanay. "Huwag ka manghinayang sa taong walang iba ginawa kundi ang saktan tayo Nay. Tyaka okay naman tayo kahit na wala siya. Kaya ko na ibigay mga pangangailangan niyo." Titig na titig sakin si Nanay. "Anak, Hindi ako magagalit kung umamin ka sakin." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Nanay. Hindi ako pwedeng umamin dahil sigurado na hindi siya papayag. Tyaka para din ito samin. "Nay, Wala ako dapat aminin sayo." Hinawakan ni Nanay ang magkabila kong kamay. "Sigurado ka?" Paninigurado niya. Marahan akong tumango. "Kung meron man, ikaw mismo ang unang makakaalam." Simple kong sagot. Muling natahimik si Nanay. "Ayokong malaman Camille na may ginagawa kang masama ha. Para lang maranasan mo ang imposibleng mangyari sa buhay natin." Agad akong dumipensa. "Nay, Kung tungkol ito sa inuwi kong mga damit. Bigay ho talaga iyon ng kaibigan ko. Gusto niya na kahit minsan lang sa buhay ko ay magkaroon ako ng disenteng damit. Alam mo naman na simple lang ang buhay natin at alam nating pareho na mas gugustuhin ko na lang na ipambili ng kailangan natin dito sa bahay kaysa bumili ng hindi ko afford na damit." Natahimik si Nanay sa sinabi ko. "Nay, Ang tahimik mo naman." Pansin ko sa kaniya. Agad itong umiling. "May naalala lang ako anak." Aniya at umiwas ng tingin. "Si tatay na naman ano. Huwag ka mag-alala nanay. Kapag dumating yung araw na makaluwag-luwag tayo ay ipaparanas ko din sa inyo ng kapatid ko ang magandang buhay. Ayokong manatili na lang tayo sa ibaba. Ang gusto ko ay umunlad din ang pamumuhay natin. Lahat gagawin ko para sa inyo ng kapatid ko." Maramdamin kong pahayag. "Salamat anak. Kahit na may oras na gusto kong panghinaan ay lagi mo pinapaalala sakin na hindi hadlang ang kahirapan para tumigil tayong mangarap. Maswerte ako dahil ikaw at si Kate, Dumating sa buhay ko." Niyakap ko ng mahigpit si Nanay. "Mas Maswerte kami ni Kate dahil ikaw ang naging Ina namin." Sabi ko at hindi mapigilan ang maluha. Dumating ang kapatid ko at puno ng pagtataka. Hinarap namin siya ni Nanay at bahagyang natawa. "Nagda-drama na naman siguro kayo ano." Aniya samin. "May inalala lang kami ng Ate mo anak." Sabi ni Nanay at Ngumiti. "Pumasok na tayo sa loob." Ani ko. Masaya kaming pumasok sa Maliit pero puno ng masasayang alala ang bahay naming ito. Kinabukasan ay Pinapunta ako ni John sa Company building niya. Pagkarating ko sa office niya ay katulad ng dati sobrang busy niya. Sa sobrang bored ko ay lumapit ako sa kaniya. Agad itong tumingin sakin. "Uhm, Do you want Coffee?" Tanong ko. "Yes Please.." Sagot niya. Agad akong nagpunta sa Pantry ng office niya. Kinuha ko agad ang mga kailangan. May ngiti sa labing pinagtimpla ko ng coffee si John. "Ready na.." Malakas kong sabi. Nakita ko sa Ref na may nakalagay na Cake kaya nagslice ako. Pansin ko na halos hindi na tumatayo si John sa Swivel Chair niya at tutok ito sa paper works niya. Bilang Fake Girlfriend ay pagsilbihan ko rin siya. Lalo na't binabayaran niya ako. Hawak ko ang Coffee at Platito na may slice ng cake ng biglang sumulpot sa harap ko si John.. Muntik ko na mabitawan ang hawak dahil sa gulat. Bigla ako nahiya kasi sobrang lapit niya sakin. "John.." Ibinaba ko ang Hawak at hinarap siya. "May problema ba?" Tanong ko. Umiling siya at ngumiti. Kumunot ang noo ko. Anong trip ng taong to? Kasama ko siyang bumalik sa Desk niya. Inilapag ko sa harap niya ang Coffee at Cake. Agad naman nitong kinain ang Cake. Naupo ako sa harap niya at pinagmasdan siya. Ang gwapo talaga ni John. Hindi ko mapagkakaila na sobrang attractive niyang tao. Lahat ng napapatingin na babaeng sa kaniya ay halata ang pagkamangha kay John. Ewan ko ba sa kaniya at ako pa ang nakita niya. Maraming pwedeng pagpilian at ako pa ang swinerte. Swerte nga ba talaga? Matapos ni John ay biglang may kumatok sa pinto. Tumayo ako para pagbukasan. Akala ko ang secretary ni John pero hindi. May babaeng sobrang ganda at halata sa itsura nito na galing siya sa mayamang pamilya. Irita ang tingin niya sakin at tinulak ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Pumasok siya sa loob at ngumiti kay John. "John, I've been calling you since this morning pero hindi ka sumasagot. Ilang araw na ako naghihintay sayo sa house. Hindi mo man lang ako bisitahin. Pumunta ako sa Penthouse mo pero wala ka roon." halata ang inis sa Boses ng babae. Sino naman kaya itong bagong dating? Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si John. Sinagot niya ang babae. "I'm sorry Jane. Naging busy kasi ako Lately." Kumunot ang noo ng babae. "Busy? Kailan pa John. Tumawag ako sa Secretary mo. Palagi ka wala rito sa Company. Ano ba kasi ang ginagawa mo." Para siyang Girlfriend ni John kung umasta. Kaano-ano ba ni John ang Jane na to? Tumayo si John. Nilagpasan niya ang babae. Tumabi sakin si John. Nagulat ako ng hapitin ako ni John palapit sa kaniya. "Jane, This is Camille. My Girlfriend." May ngiti sa labing pagpapakilala sakin ni John. Nang magtama ang aming paningin ay ngumiti kami sa isa't-isa. Agad na nagsalita si Jane. "No! Sabi mo wala ka pang babaeng nililigawan. At saan mo naman napulot tong babaeng ito." Galit nitong sabi kay John. "Jane, Please respect my Girlfriend. Wala ka ng pakialam pa sa Personal Life ko." Napatiim bagang si John. Halata ang tensyon sa kanilang dalawa. "I'm your Friend John.." Parang suko na nitong sabi. Naluluha pa ang babae. Hindi nagpatinag si John. "Exactly, You're just my Friend. And Besides, Hindi ko kailangan sabihin sayo lahat ng nangyayari sa buhay ko. It's my Life, Kaya wala kang karapatan at huwag ka magalit sakin dahil lang nalaman mo na may Girlfriend na ako." Sabi ni John. "I don't believe you John. Is this kind of jokes? Look at her. I think she just nobody. She don't even wear a casual wear." Aniya habang tinuturo ako. Agad ako napatingin sa suot ko. Wala naman masama sa suot ko ah. Bakit minamaliit niya. Naka tshirt at jeans lang ako. Hindi porket mahirap lang ako ay gaganitohin niya lang ako. Sasagot na sana ako ng pigilan ako ni John. Siya ang nag-defend para sakin. "Yes Jane, My Girlfriend is Simple. I love her because of who she is. Hindi ko kahit kailan na imagine sa buhay ko ang mamili ng mamahalin ko." Biglang bumilis ang puso ko ng dahil sa simpleng salita na lumabas sa bibig ni John. "Ano ba ang nagustuhan mo sa kaniya. Hindi natin siya kalevel." Dagdag pa nitong insulto sakin. Hindi na ako napigilan pa ni John. Kotang-kota na talaga itong babaeng ito sa akin. "Miss, Walang galang na. Hindi porket mahirap lang ako ay may karapatan ka ng maliitin ako. Hindi ko na kasalanan pa kung ako ang Minahal ng kaibigan mo. Eh sa akin siya unang nag-kagusto. Hindi mo mapipigilan si John na mahalin ang isang tulad ko kahit na mayaman siya at mahirap lang ako. Wala sa estado ng mga buhay natin kung sino ba ang dapat na mahalin. Kung iniisip mo na pera lang ang habol ko sa kaibigan mo. Nagkakamali ka dahil minahal ko si John, hindi dahil mapera at mayaman siya. Kundi bilang lalaki na handang ibigay ang buong buhay niya para sakin." Mahaba kong sabi. Hindi naka imik si Jane. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni John dahilan para kurutin ko siya ng patago. Ang feeling ko din sa part na feel na feel ko ang pagiging Girlfriend ni John. Eh sa iyon ang Role ko sa buhay niya. Alangan na aminin namin na wala naman talaga kaming relasyon. Inis na inis ang babae at bago siya umalis ay binangga pa niya ako. Nang makita namin na wala na siya ay tyaka lang pinakita at nilabas ni John ang pagpigil nitong tawa. Humarap ako sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag. Habang siya naman ay walang tigil sa pagtawa. Ano ba ang nakakatawa? Sira ulo tong lalaking ito. "That was Impressive. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang ginawa kong Girlfriend." Aniya sakin. Pabagsak akong naupo. Habang siya naman ay nasa harapan ko. "Fake Gilfriend kamo. Halos lumabas na itong puso ko sa sobrang kaba at baka hindi ako makapagpigil sa kaibigan mo na sabihin na Fake Girlfriend mo lang ako." Sabi ko at umirap sa kaniya. Todo ang kaba ko dahil sobrang sungit at inis pa naman ng Jane na iyon. Muntik na ako umamin. Mabuti at nag-pigil pa ako. "Camille, trust me. Kahit na anong gawin ni Jane. Wala naman siyang magagawa." Sabi ni John at Bumalik sa Desk niya. "Ganun ba talaga kaibigan mo? Matapore. Akala mo kung sino na pagmamay-ari ka. Kung pwede lang na gusto niya ay siya ang pumili ng magiging karelasyon mo." Sabi ko. "I'm Sorry Camille. I don't know what's gotten into her. At bakit nasa sabi niya ang mga bagay na iyon sa'yo. Hindi ako papayag na may gawin at sabihin siyang masama about sa'yo." Ramdam ko na sincere si John sa mga binitawan niyang salita. "Salamat John." Ngumiti ako sa kaniya. Natigilan siya sandali at ngumiti rin sakin. "No Camille, Thank you because you came into my Life." Nang sabihin iyon ni John ay mabilis na tumibok ang puso ko. Patay In love na ata ako sa kaniya. Nagsisimula palang kami bilang Fake Girlfriend/ Boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD